^

True Confessions

Damo sa Pilapil (80)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KINABUKASAN, nagulat si Zac nang makitang inaabangan siya ni Mam Dulce sa salas. Parang kanina pa siya hinihintay na lumabas. Nakangiti ito sa kanya.

“Salamat sa ginawa mo kagabi, Zac.’’

Hindi agad nakasagot si Zac. Ang ginawa niyang pagpapalit sa damit nito na basambasa sa pawis ang pinagpapasa­lamat ni Mam. Hindi niya inaasahan na magpapasalamat ito. Ang akala niya, magagalit dahil sa ginawa niya.

“Hindi ka galit, Mam?’’

“Bakit ako magagalit? Napakalupit ko naman na ako na ang pinagmagandahang loob mo e ako pa ang magagalit.’’

“Akala ko pagagalitan mo ako Mam.’’

“Hindi. Salamat uli.’’

“Basambasa kasi ang damit mo Mam. Puwedeng ipiga ang damit mo.’’

Nagtawa si Mam Dulce. Pero napag-isip-isip na nakakahiya ang nangyari.

“Kakahiya, hindi na ako iinom ng beer. Last na ‘yun.’’

“Bakit kaya pinawisan ka nang grabe Mam?’’

“Hindi ko alam. Siguro’y nanibago ako sa dami ng nainom --- four bottles ang nainom ko di ba?’’

“Nanibago ka nga siguro Mam.’’

“Hindi na mauulit yun.’’

“E paano kung matuloy tayo sa balak nating outing sa probinsiya, hindi ka iinom?’’

“Hmmm, bahala na. Teka, kailan  ba tayo mag-a-outing?’’

“Ikaw po ang bahala.’’

“Sked na natin. Gusto ko, outing naman. Sawa na ako sa abroad.’’

“Sige Mam. Sa Encarnado Resort tayo. Maganda roon.’’

“Sige. Wala na naman akong commitment.’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with