^

True Confessions

Black Widow (35)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“ALAM mo ba ang sinasabi mo Jam?’’ Tanong ni Marie nang ipagtapat ni Jam na may relasyon na sila ng isang dancer sa KAYUMANGGING IBON gaybar.

“Mahal ko na si Coco at mahal din niya ako,” sagot ni Jam.

“Coco ang name ng dancer?’’

“Oo.’’

“Seryoso ka ba talaga, Jam?’’

“Oo.’’

“Diyos ko, ano itong pinasukan mo Jam. Akala ko nagbibiro ka lang.’’

“Sabi ko noon sa’yo gaganti ako sa asawa ko.’’

Hindi nakapagsalita si Marie. Totoo nga. Hindi nga nagbibiro si Jam.

“Alam ko, nagulat ka at hindi makapaniwala, Marie. At kung sa akala mo ay mali ang ginawa ko, hindi naman kita pipilitin sa opinyon mo. Kung sa tingin mo ay marumi ako, hindi ako nagagalit…’’

“Jam, alam mong kaibigan kita at hindi ako basta tumatalikod sa pagkakaibigan kaya lang, paano ang buhay mo at ang mga bata?’’

“Hindi ko naman pinababayaan ang mga bata. Sa akin pa rin sila. Basta ang kaaway ko lamang ay ang asawa ko. Kanya-kanya na kami.’’

“Paano pagnalaman ng mga anak mo na mayroon ka ring kabit.’’

“Bahala na nga.’’

“Hindi puwedeng ba­hala, Jam.’’

Hindi nakasagot si Jam. Nakatingin lang sa kawalan.

Maya-maya, tumayo na si Jam.

“Saka na lang uli tayo mag-usap Marie.”

Nagyaya na itong umalis.­              (Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ALAM

ANG

BAHALA

DIYOS

HINDI

ITUTULOY

JAM

KANYA

NBSP

OO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with