^

True Confessions

Kastilaloy (189)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGPATULOY si Mama Julia sa pagkukuwento sa mga nangyari sa kanya nang bumalik sa da­ting bahay. Nalipasan siya ng gutom. Pawang tubig ang iniinom niya. Ayaw naman niyang lumabas dahil baka may makakita sa kanya. Alam ng mga kapitbahay na na-foreclosed na ang bahay. Hanggang sa manghina siya at hindi na halos makatayo. Pakiramdam niya ay umiikot ang paligid.

“Akala ko, mamamatay na ako ng mga oras na ‘yun. Pero nakahanda na naman ako kung mangyayari iyon. Pinagsisihan ko na ang mga nagawa ko. Hanggang sa dumating nga kayo at hindi ako makapaniwala. Ang akala ko, hindi na tayo magkikita, Garet.’’

Hindi makapagsalita si Garet. Nangingilid ang luha. Hinawakan ang kamay ng kanyang mama. Pinisil.

“Matagal na sana kitang pupuntahan sa bahay pero namayani sa akin ang inis. Kasi nga’y pinagpalit mo ako kay Geof. Sa totoo lang, naiinis at naaawa ako sa’yo ‘Ma.’’

“Sorry, darling. Hindi na kita sasaktan. Pro­mise.’’

Pinisil ni Garet ang palad ng ina.

“Pagaling ka agad ‘Ma. Marami kang na-missed.’’

“Oo nga. Gusto kong kumain sa paborito kong restaurant at mamasyal sa mall.’’

“Gagawin natin ‘yun. Akong bahala.’’

“Siyanga pala si Carmina, nasaan siya? Di ba sabi mo natagpuan mo siya.’’

“Parating na sila.’’

Ilang minuto ang nakaraan at dumating na si Carmina.

Mahigpit ang pagyayakap ng dalawa.

“Salamat at ligtas ka na Julia. Natutuwa ako na nagkita tayo.’’

“Ako man, Carmina.’’

Nakatingin naman sina Garet, Gaude at Gina.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

AKO

AKONG

ALAM

ANG

AYAW

CARMINA

GARET

HANGGANG

MAMA JULIA

PINISIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with