^

True Confessions

Sinsilyo (167)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“KUNG sinabi ko ang totoo kay Mau, nasaan ka na kaya ngayon, Lyka? Mabuti at sinalba kita. Si Gaude lang ang idiniin ko,” sabi ni Lolo Kastilaloy na bahagyang umipod pa sa tabi ni Lyka. Nag-iisip naman­ si Lyka, bina-blackmail na siya ng matanda. Marami palang alam ang matanda.

Nagpatuloy si Kastilaloy, “Sabi ko pinasok ka at ginahasa ni Gaude na sinang-ayunan mo naman, he-he-he! Para hindi ka mabuking na ikaw ang pumapasok sa kuwarto ni Gaude, di ba?’’

Natigilan si Lyka. Pa­ano nalaman ng matanda iyon?

“Nagtataka ka siguro kung bakit ko nalaman ano? Nakita kita nang lumabas sa kuwarto ni Gaude. Madaling-araw yun. Tapos nang sumunod na gabi, nakita uli kita na pumasok. Hindi ko alam kung ano ang ginawa n’yo pero ang punto ay pumasok ka sa kuwarto at nagtagal ka roon.’’

Hindi makapagsalita si Lyka. Huling-huli pala siya nang matanda. Wala siyang kawala!

“Tapos, nalaman ko kay Gaude na nagdeposito ka ng barya sa banko. Itinaksi mo raw. Marami tiyak ang naideposito mo dahil naubos ang mga barya sa kuwarto. Ang alam ko e parang bunton ng buhangin iyon sa dami. Tapos nang magdeposito ka, bigla kaunti na lang. Sabi ko lang kay Mau, si Gaude ang nagnakaw, na sinang-ayunan mo naman. Nadiin si Gaude at ikaw ay nalibre, he-he-he!’’

Tameme si Lyka. Wala siyang maikatwiran dahil totoo ang lahat nang sinabi ng matanda. Nasubaybayan pala siya ng matandang ito.

“Hmmm, ang bango mo talaga, Lyka. Parang hindi shampoo ang ginamit mo. Paamoy nga!”

Umiwas si Lyka. Ma­sama na ito. Pinagna­nasaan na siya.

“Ang ganda siguro ng nasa loob ng tuwalya. Puwedeng makita, Lyka?”

Hindi makakibo si Lyka. Ano kaya at paglaruan niya?

(Itutuloy)

vuukle comment

ANO

GAUDE

LOLO KASTILALOY

LYKA

MARAMI

SABI

SI GAUDE

TAPOS

WALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with