^

True Confessions

Sinsilyo (80)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PERO nanatiling nagpakahinahon si Gaude kahit na nasaktan sa sinabi ni Lolo Dune na huwag daw kukupitan ang mga latang may barya. Hindi na niya pinansin. Parang wala siyang narinig. Kung siya ay basagulero, hihiyain niya ang matanda at sasabihan niyang “magnanakaw” ito. Sabi ni Lolo Kandoy, binawasan nito ng isang dakot na barya ang bawat lata. Pero hindi nga siya palaaway kaya pinalampas na lang niya ang lahat. Wala namang mawawala sa kanya kahit na magsa-lita pa ito nang masakit. Tiisin na lang niya.

Pero ayaw matapos ang tila pagsisintem-yento ni Kastilaloy dahil patuloy pa rin ito sa pagsasalita.

“Ikaw ayusin mo ang mga basyo ng lata dun sa labas ha? Basta mo na lang itinambak! Tonto!” sabi na ang mga mata ay tila nagniningas.

Tumango lang siya.

“Kapag kinalawang ang mga ‘yun, isusumbong kita kay Mau!”

Hindi pa rin niya pi­nan­sin.

Hanggang sa kusa itong umalis. Iniwan ang dalawang latang may barya.

Dinampot ni Gaude ang mga lata at dinala  sa kanyang kuwarto.

Saka pa lang natahimik ang kanyang kalooban. Ikukuwento niya kay Lolo Kan­doy ang mga sinabi ni Kastila-loy.

ISANG umaga, dumating si Tito Mau at may kasama. Isang babaing maganda at sexy. Sa hula ni Gaude ay mga 20 anyos ito. Naka-shorts ng maong at t-shirt ang pang-itaas.  Makinis ang babae.

Ipinakilala sa kan-ya ni Mau.

“Gaude, si Lyka, siyota ko.’’

“Good morning po.”

(Itutuloy)

vuukle comment

DINAMPOT

HANGGANG

IKAW

LOLO DUNE

LOLO KAN

LOLO KANDOY

PERO

TITO MAU

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with