^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (450)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SUMUNOD na linggo ay marami nang impormas­yon si Tita Imelda mula kay Noime. Tinawagan ni Tita Imelda si Noime. Tuwang-tuwa si Tita Imelda sa mga bagong impormasyon. Si Tikboy na asawa ni Noime ang gumawa ng paraan para makakuha ng bagong impormasyon.

“Commodore po pala si Abdullah Al-Ghamdi at hindi commander Ate Imelda. Sabi ni Tikboy, isang Pinoy na nagtatrabaho sa Royal Saudi Navy ang mismong kausap niya. Naging kaibigan na niya ang Pinoy na empleado sa Navy.’’

“Bilib naman ako kay Tikboy. Kung reporter si-guro siya sa diyaryo at TV baka napakahusay niya.’’

“Mahusay nga ang asa­­wa ko, Ate Imelda. Ma­paraan talaga siya.’’

“Pero sabihin mo rin kay Tikboy na mag-ingat at baka mapaghinalaan siyang espiya. Alam mo naman diyan, mga suspetsoso ang ilang Saudi. Akala ay kung ano na ang ginagawa sa kanila.’’

“Opo. Nag-iingat po si Tikboy. Sinabi ko po kasi kay Tikboy ang purpose kung bakit natin hinahanap si Commodore Abdullah. Sinabi kong si Abdullah ay may naanakang Pinay noon.’’

“Mabuti at ipinaliwanag mo, Noime.’’

“Lalo po siyang naging interesado dahil maganda pala ang kuwento. Kakaiba raw ang kuwento.’’

“Alam mo Noime, ako at ang biyenan ni Sam ang may gustong makakuha ng inpormasyon kay Abdullah. Si Sam ay walang gaanong interes dahil para sa kanya, imposible silang magkita. Napakalayo raw ng Saudi at isa pa, kilalanin daw kaya siya nito. Paano raw siya magpapakilala sa kanyang ama? Imposible raw.’’

“Sabihin mo Ate na possible na magkakilala sila dahil nga nasa unang baytang na si Tikboy sa pagha-hanap kay Abdullah. Sabi ni Tikboy, ang kaibigan niyang Pinoy na nasa Royal Saudi Navy ang magiging susi. Hindi imposible ito, Ate.’’

“Salamat uli, Noime.’’

“Walang anuman, Ate.’’

“Tatawagan uli kita ha, next Friday.’’

“Okey lang kahit hindi Friday Ate. Kahit ordinar­yong araw puwede mo akong tawagan. Mabait naman ang amo ko kaya okey lang sa kanya na makipag-usap ako.’’

“Napakasuwerte n’yo pala ni Tikboy.’’

“Opo nga Ate.’’

 

MAKALIPAS pa ang ilang linggo at nakatanggap si Imelda ng picture mula kay Noime. Picture iyon ni Commoddore Abdullah Al-Ghamdi. Mukhang mabait naman pala. Matured na. Kakaiba kaysa unang picture na nakita niya. Ngayon ay nakasuot-pang opisyal ng Saudi Navy.

Ipapakita niya iyon    kay Doc Paolo.

(Itutuloy)

vuukle comment

ABDULLAH

ABDULLAH AL-GHAMDI

ATE IMELDA

KAY

NOIME

PINOY

ROYAL SAUDI NAVY

TIKBOY

TITA IMELDA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with