^

Metro

Mister pinabulagta sa SUV

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Natagpuang patay sa loob ng sports utility vehicle (SUV) ang 46-anyos na lalaki na nagtamo ng tama ng bala sa ulo habang nakaparada sa tapat ng garahe ng bus sa Valenzue­la City noong Martes ng tanghali.

Nakilala sa pamama-gitan ng kanyang driver’s license card ang biktimang si Guiller Fernando Brinas ng #37 Abangan Sur, Marilao, Bulacan.

Sa inisyal na ulat ng Valenzuela City Police, dakong alas-11:52 ng tanghali nang makarinig ng magkasunod na putok ng baril ang security guard na si Rodolfo Cipriano sa harapan ng binabantayang garahe ng Pamana Bus Company sa MH Del Pilar, Brgy. Malan­day.

Natukoy ni Cipriano na nagmula ang mga putok sa nakaparadang itim na Mitsubishi Adventure (XNM 462). 

Agad na tumawag ng saklolo ang guwardiya sa Police Community Precinct 6 na rumesponde naman.

Sa pagsusuri ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nagtamo ng tama ng bala sa ulo at braso ang biktima. Narekober naman sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng cal.9mm pistol, isang slug, isang bala at ang wallet ng biktima at cash na nagkakahalaga ng P65,560.

Patuloy naman ang imbes­tigasyon ng pulisya kung saan bineberipika kung may closed-circuit television camera sa nasabing lugar.

vuukle comment

SUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with