^

PSN Palaro

Pacquiao pinaigting na ang training

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kabila ng pagiging abala sa sesyon sa Senado ay tinitiyak naman ni Sen. Manny Pacquiao na hindi niya pinapabayaan ang kanyang pag-eensayo para sa paghahamon kay world welterweight king Jessie Vargas.

Noong Huwebes ng gabi ay anim na rounds ng sparring ang ginawa ni Pacquiao kasama si sparring partner Jose Ramirez sa Flash Elorde Gym­nasium sa Mall of Asia complex sa Pasay City.

“Pick up na kasi malapit na ‘yung fight. Patindi na nang patindi ‘yung sparring pahaba na nang pahaba yung rounds so by next week ‘yung heavy sparring talaga baka mag 10, 12 rounds na kami,” sabi ni Pacquiao sa panayam ng GMA News.

Pinuri naman ni chief trainer Freddie Roach ang sparring session nina Pacquiao at Ramirez.

“It was one of his best days in sparring with Jose so far. It was a good six rounds,” ani Roach. “Jose is a really tough kid. He keeps coming. He’s very strong and I actually think he’s a lot better than our opponent so I like what I see.”

Pipilitin ni Pacquiao (58-6-2, 38 KOs) na gawin kay Vargas (27-1-0, 10 KOs) ang suot nitong World Bo­xing Organization welterweight title sa Nobyembre 5 sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.

Kamakailan ay ipinag­yabang ng 27-anyos na si Vargas na pababagsakin niya ang Filipino world eight-division sa loob ng eight rounds.

“That’s easy to say but hard to do,” sagot naman ng 37-anyos na si Pacquiao.

Nakatakdang magtungo ang Team Pacquiao sa United States sa Oktubre 22 para sa kanyang pinakahuling pag-eensayo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with