^

Police Metro

DU30-’wag kayong pagala-gala...drug addicts gagawing ‘pataba’ sa isda

Rudy Andal - Pang-masa
DU30-�wag kayong pagala-gala...drug addicts gagawing �pataba� sa isda
Ito ang naging babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga drug addicts nang muling atasan ang Philippine National Police na paigtingin ang kampanya laban sa illegal drugs sa buong bansa sa kanyang naging mensahe kahapon sa investiture ceremony ng Boy Scouts of the Philippines.
AP/Bullit Marquez, File photo

MANILA, Philippines - “Huwag kayong pagala-gala sa lansangan dahil sa sandaling mahuli kayo ay ipapatapon ko kayo sa Manila Bay upang maging “pataba sa isda”.

Ito ang naging babala ni  Pangulong Rodrigo Duterte sa mga drug addicts nang muling atasan ang Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang kampanya laban sa illegal drugs sa buong bansa sa kanyang naging mensahe kahapon sa investiture ceremony ng Boy Scouts of the Philippines (BSP).

Binatikos din nito ang juvenille law ni Sen. Kiko Pa­ngilinan na pumasa noong 2006 kung saan ang mga may edad 15 pababa ay hindi puwedeng ikulong o kasuhan sa nagawang krimen nito.

Aniya, ang mga kabataang ito ay ginagamit ng sindikato upang magbenta ng droga dahil ligtas sila sa anumang kaso.

“The problem with Pa­ngilinan, he was too in a hurry. Pinalusot niya yun kaya we produce—mga 15 years ago—about five to six generations of people who committed crimes and released on the same day, irrespective of the gravity of the offense,” wika ni Duterte.

Ito mga batang nagkasala sa batas ay malaki na ngayon na siyang dahilan ng problema sa droga na kanyang tinatarget.

“Now na malaki na sila, we have produced people who are of criminal mind. That is why it is hard to stop the drug problem now kasi sila labas-pasok at nag-negosyo at gustong sirain kayo,” wika pa ni Duterte.

Binigyan din ni Pangulong Duterte na ang kanyang dahilan para ubusin ang mga kriminal na ito ay para proteksiyunan ang mga kabataan na pag-asawa ng bansa.

Samantala, tinumbok na ni Pangulong Duterte ang direktang pagkakasangkot ng maraming barangay captain  sa lumalang problema ng iligal na droga sa bansa.

Anya, sa 40 porsiyento ng mga barangay chairman sa bansa, bahagi nito’y mga producer o mismong gumagawa  ng iligal na droga habang ang iba ay  sugapa o pawang mga drug addict.

Kaya’t naninindigan ito na hindi dapat matuloy ang barangay election sa Oktubre.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with