^

Para Malibang

Pangalawang Anino (76)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

“Tama na Sheila! Bitiwan mo na siya, huwag mo na siyang saktan!

Gigil na natigilan si Sheila, masakit pa rin na si Alona ang pinahahalagahan ni Roger.

Ang mga anak naman, sina Nanette, nadismaya. Naawa sa kanilang ina.

“Nasugatan na kasi siya. Kaya kita pinatigil.”

“Iyan lang sugat na ‘yan, natakot ka na! Madaling maghilom ‘yan pero ang sugat sa puso na siyang ibinigay mo sa amin, nandidito pa rin, dumudugo! Lalo na ngayon, matapos ka naming ipagtanggol, iyan pa rin palang kerida mo ang mahalaga!”

Sinamantala ni Alona ang kahinaan ni Roger, nagdrama. “Kerida nga ako pero mahal na mahal kita, Roger. Kaya kahit masakit sa pride naparito ako para kunin ka. Para magkabalikan tayo.”

“Alona …”

“Utang na loob, Roger … nang umalis ka, naram­daman kong hindi pala ako puwedeng mabuhay kung wala ka.”

“Pero hindi mo na ako mahal, ang pangit na ng trato mo sa akin.”

“Aburido lang ako kasi ang anak natin ay baka mapahamak dahil diyan sa kanila.”

“Huwag kang maniwala sa kanya, aming ama! Tiyak na inutusan siya nina Tagapag-alaga at Yawana para makuha ka, maibalik sa kanilang bahay. Tiyak na may gagawing masama sa iyo si Yawana kapag nandodoon ka na. Kapag nangyari iyon, magiging mas makapangyarihan na sila ng kanyang pangalawang anino higit sa kapangyarihan ng tubig na banal.” Matapang na nagsalita si Nanette.

“Anong katibayan mo na kapag nasaktan si Roger ni Yawan ay matatalo na kayo sa laban? Huwag kang mag-imbento! Pagmamahal ang nagtulak sa akin para lakasan ang loob na pumarito at mabawi si Roger.”

 “Mabawi? Bakit, kailan ba siya naging sa iyo at parang gamit na babawiin mo! Hindi ba dapat nagsoli ka ng bagay na ninakaw mo?” Galit na sumbat ni Sheila.

“Hindi kasal, hindi pirmadong papel ang basihan ng pag-aari ng mga tao. Kundi puso. Kaya sumama sa akin si Roger noon ay dahil hindi ka na niya mahal, ako na ang mahal niya hanggang ngayon.”

Naghintay sina Sheila at mga anak kung ano ang ipapasya ni Roger. Litung-lito ito.

ITUTULOY

 

 

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with