^

Pang Movies

Gabbi Garcia may binuking tungkol sa kanila ni Khalil!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Gabbi Garcia may binuking tungkol sa kanila ni Khalil!
Gabbi Garcia

May selosang factor kina Gabbi Garcia at Ruru Madrid nang makita namin ang dalawa sa technical rehearsal ng Sunday PinaSaya.

Salamat kay Ateng Rams David, Executive Pro­du­cer ng Sunday show, at nakausap namin ang dalawa kasama ang ilan pang entertaiment press na napadaan din mula sa press visit ng D’Originals. Tamang-tama kasi na may issue na break na raw silang dalawa, na siyempre ang tanong, kailan naman naging sila?

At nabalita naman na si Gabbi ay may boyfriend na, na isa raw Kapamilya. Kaya ito ang niliwanag ni Gabbi.

“Hindi po totoo iyon, nagulat nga ako na may ganoon palang issue,” sabi ni Gabbi. “Nakilala ko po si Khalil Ramos noong debut ng best friend kong si Julia Barretto in 2015, at madalas kung may mga lakad kami ni Julia at iba naming friends, minsan nakakasama namin siya. Pero hindi po, hindi pa ko pwedeng makipag-boyfriend, ayaw pa ng parents ko.  Saka mas focus po ako sa career ko.  Kami ni Ruru, talaga lamang best of friends at comfor­table na akong kasama siya dahil nang magsimula ako sa showbiz, siya na talaga ang naka-love team ko. Pero kumusta po naman, sino si Arra San Agustin, Ruru?” bwelta ni Gabbi kay Ruru.

Wala, siya si Ariana sa Encantadia,” birong sagot ni Ruru. “Yes, maganda siya at mahusay umarte, pero siyempre, ikaw pa rin. Hindi po namin alam kung sa pagtatapos ng Encantadia magiging kami pa rin ni Alena,” sabi ng actor sa magtatapos nilang serye sa May 19.

LJ at Mark pinakamatibay sa mga Starstruck

Single mom si LJ Rayes kaya natanong siya kung nasaktan siya sa sinabi ni Sen. Tito Sotto tungkol kay DSWD Secretary Judy Tagiwalo, sa set visit ng afternoon prime sexy comedy series na D’Originals.

Paano kung sa isang pagkakataon, makita niya si Sen. Tito, ano ang sasabihin niya?

“Sasabihin ko po, ‘hello,’ respeto ko naman sa kanya.  Wala po naman akong personal na galit sa kanya, saka nag-sorry naman po agad siya, bakit po naman hindi ko i-accept ang sorry niya?”

Sa D’Originals ay gaganap sina LJ at si Mark Herras na mag-asawa. Pero magkakaroon ng lamat ang pagsasama nila sa pagpasok ni Lovely Abella.

Hindi ito ang first time na pagsasama nina LJ at Mark pero thankful sila sa GMA dahil among the Starstruck batches, ang batch one nina Mark at batch 2 nina LJ ang laging may project na ginagawa sa Kapuso Network.

vuukle comment

GABBI GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with