^

Pang Movies

Young actress laos na agad dahil sa kamalditahan!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Imposibleng hindi nararamdaman ng isang young actress na pawala na ang ningning ng bituin niya.

Marami ang nagsasabi sa akin na laos na ang batang aktres at ayaw na nila sa kanya dahil sa mga balita na maldita siya sa fans.

May bahid ng katotohanan ang impression ng mga dating humahanga sa young actress dahil hindi kagandahan ang ugali niya.

Ang negative attitude ng young actress ang isa sa mga dahilan kaya nawawalan na ng gana sa kanya ang mother studio niya.

Pati ang isang tao na malapit sa puso ng young actress, nadadamay rin dahil nahawa na rin umano sa ugali niya.

Stars come and go. Sa tagal ko na sa showbiz, marami na akong nakita na sumikat pero lumubog dahil naging mapagmalaki at hindi marunong tumanaw ng utang na loob.

Kambal ni Richard, natapyasan ng 65 pounds

Kung bagets ako, gagayahin ko ang ginawa ni Raymond Gutierrez para mabawasan ng 65 pounds ang katawan pero senior citizen na ako kaya wala na akong power para mag-exercise nang matindi.

Inspirasyon at good model si Raymond para sa mga tao na tumaba at nawalan ng pag-asa na pumayat pa.

Kung natsugi ni Raymond ang unwanted pounds niya, magagawa rin ito ng iba, basta magbaon lamang sila ng determinasyon at seryosohin ang goal na maging physically fit.

Andi ayaw paawat sa mga emote kay Jake!

May continuation ang mga emote ni Andi Eigenmann para kay Jake Ejercito, ang ama ng kanyang anak na si Ellie.

Punumpuno ng emosyon ang mensahe ni Andi para sa kanyang ex-boyfriend pero naniniwala ako na darating ang araw na magkakasundo rin sila ni Jake kapag nag-mature na ang kanilang mga pananaw sa buhay at kung ang bright future ni Ellie ang maging concern  nila. Ito ang pagpapatuloy ng emote ni Andi na hindi pa sinasagot ni Jake.

“This isn’t about who is right and who is wrong. I am aware of my faults. Always have been.

“I’ve come to realize that it doesnt matter what good I do for my child. Everything will always just be wrong.

“Jake, if I ever said things to make it seem like I was gonna take my child away from you. That was cus I was hurt, and sad, and I loved you.

“Please realize that now that I’ve no feelings for you, I’ve grown to be mature enough to make decisions solely for the well being of my child.

“And YOU, are very much a part of what I want for her. What’s confusing is why you have to bring me down and insist that I’m unfit ...

“Just for you to ask for that joint custody, that I very much want as well. Burning down other people’s light to make yours shine brighter is such a stupid thing to do. I just thought you were better than that.

“I won’t let this issue ruin my zen. Sorry guys, shade throwing is over (haha), I tried it (my way), it’s time to go back to the hi-way.”

 

vuukle comment

RAYMOND GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with