^

PSN Palaro

Mag-uunahang bumangon

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Nlex vs Globalport; Ros kontra Phoenix

MANILA, Philippines -  Apat na koponan ang mag-uunahang makaba­ngon mula sa nalasap ni­lang kabiguan.

Magtatagpo ang nagdedepensang Rain or Shine at Phoenix ngayong alas-7 ng gabi matapos ang paghaharap ng Globalport at NLEX sa alas-4:15 ng hapon sa 2017 PBA Commissioner's Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Matapos magtayo ng 3-0 panimula ay nakalasap ng dalawang magkasunod na kabiguan ang Elasto Painters laban sa Meralco Bolts, 83-89  at Alaska Aces,  102-105.

Pinadapa naman ng Fuel Masters ang Blackwater Elite, 118-116 sa overtime at ang Ginebra Gin Kings, 94-91, kasunod ang pagyukod sa Star Hotshots, 82-101, TNT Tropang Texters, 109-134, at San Miguel Beermen, 88-110 para sa kanilang 2-3 baraha.

“We’re trying to go back on what we’re doing better, and a lot of those are on the defensive side,” sabi ni Phoenix head coach Ariel Vanguardia na muling sasandal kay import Jameel McKay, nagtala ng mga averages na 25.2 points a game, 18.75 rebounds, 2.5 blocks, 2.0 steals at 1.25 assists.

Muling ipaparada ng Rain or Shine sina import Shawn Taggart, two-time PBA Most Valuable Player James Yap, Jeff Chan, Jericho Cruz, Beau Belga, Raymond Almazan, Ma­verick Ahanmisi at Gabe Norwood.

Sa unang laro, muling tatargetin ng Road Warriors ang kanilang kauna-unahang panalo sa torneo sa pagharap sa minamalas ding Batang Pier.

Nagdadala ang Globalport ng 0-4 marka kasunod ang NLEX (0-5).

“Must win for us to stay in the hunt for the playoffs,” wika ni Batang Pier mentor Franz  Pumaren sa kanilang bakbakan ng Road Warriors ni coach Yeng Guiao.

Sa kabila ng itinayong 29-point lead sa third quarter ay isinuko pa rin ng NLEX ang 121-126 overtime loss sa TNT Katropa (4-1) noong nakaraang Biyernes. 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with