^

Krema

Krema (168)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HANGGANG makalabas sila sa mall ay hindi na nila nakita ang lalaki.

“Baka nga nagkakamali ka lang Krema. Siguro’y nagkataon lang na ang pupuntahan natin e yun din ang pupuntahan ng lalaki.’’

Hindi na nagsalita si Krema pero malakas ang kutob niya na sila ang sinusundan ng lalaki. Bihira pang magkamali ang kanyang kutob. Paniwala niya, ipinanganak siyang may ma­lakas na kutob.

Nang makarating sila sa bahay ay nagtaka ang mama ni Lex kung bakit ang bilis naman nilang mamasyal.

“Bakit umuwi agad kayo? Akala ko manonood kayo ng sine?’’

‘‘Mayroon kasing napansin si Krema na lalaking sumusunod sa amin. Kinabahan siya kaya umuwi na kami.’’

“Bakit naman kayo susundan ng lalaki? Ano ang dahilan?’’

Ikinuwento ni Lex ang mga nangyari sa probinsiya kung saan nakapasok ang drug syndicate. Sinabi niyang nagahaman siya sa mala-king bayad kaya pumayag na manirahan doon ang grupo na drug syndicate pala.

“Diyos ko! Wala akong kamalay-malay sa nangyayari sa inyo.’’

‘‘Hindi ko na sinabi sa’yo at baka ka mag-alala Mama.’’

‘‘Ang mabuti pa ay huwag na kayong bumalik sa probinsiya. Dito na lamang kayo. Kasi baka nga gantihan kayo ng sindikato.’’

“Pero paano ang ari-arian dun, Mama?’’

‘‘Hindi naman mabubulok ang mga ‘yun. Mas mahalaga ang kaligtasan n’yo rito.’’

“Paano ang kasal namin, gusto ko, matuloy na ito, Mama.’’

“Siyempre dapat matuloy ang kasal n’yo. Huwag ipagpapaliban ang araw na ‘yan dahil mahalaga ‘yan.’’

Inihanda ang kasal ng dalawa. Naayos ang lahat.

Pero isang ling­go bago ang kasal, muling nakita ni Krema ang lalaking naka­buntot sa kanila noon sa mall.

Nasa bintana si Krema nang makita ang lalaki. (Itutuloy)

vuukle comment

KREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with