^

Pang Movies

Heart puwedeng tulungan ng fashion designer na kaibigan para sa costume na ‘diaper’!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Heart puwedeng tulungan ng fashion designer na kaibigan para sa costume na �diaper�!
Heart Evangelista

Lumalakas ang panawagan na baguhin ang costume ni Heart Evangelista sa Mulawin vs. Ravena na ikinukumpara sa adult diaper.

Nakikinig ang GMA-7 management sa mga suggestin ng televiewers at ng mga tunay na Kapuso kaya hindi ako magtataka kung ibahin ang design ng Alwina costume ni Heart.

Puwedeng tulungan si Heart ng kanyang fashion designer friend na si Mark Bumgarner para big­yan ng bagong look ang costume niya sa Mulawin vs. Ravena.

Bagong manliligaw daw ni Kris hindi basta-basta

At dahil nabanggit ko na rin ang name ni Mark Bumgarner, noong Biyernes ko lang nalaman na bago siya naging designer, isang mahusay na race car driver ang favorite fashion designer ni Heart.

Kasamahan ni Mark sa formula car racing si Renan Ponce Morales, ang anak ni Rhodora Morales, ang producer ng Trip Ni Kris, ang television special ni Kris Aquino.

Hindi puwedeng isnabin si Mark dahil lumalaban siya ng karera ng kotse sa Europe. Knows naman natin kung gaano ka-expensive ang sports na kinahiligan ni Renan at ni Marlon Stockinger, ang boyfriend ni Pia Wurtzbach.

Tinalikuran na ni Mark ang car racing dahil mas maligaya siya ngayon sa kanyang career bilang fa­shion designer.

Boyet at Sandy hindi nagpapatalo sa mga pagsubok 

Nakalimutan ko na i-greet ng happy anniversary noong nakaraang buwan sina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Ipinagdiwang ng mag-asawa ang ka­ni­lang 34th anniversary at habang tumatagal, lalong tumitibay ang pagsasama nila.

Maraming pinagdaanan na pagsubok sina Boyet at Sandy pero hindi sila nagpatalo dahil ang Diyos ang ginawa nila na sentro ng kanilang relasyon.

Magandang halimbawa sina Boyet at Sandy para sa ibang mga showbiz couple na in love na in love sa umpisa pero humahantong sa hiwalayan ang pagsasama dahil sa irreconcilable differences.

Janella nagsimula nang maging sirena

Nagsimula na ang shooting ni Janella Salvador para sa My Fairy Tail Love Story, ang bagong pelikula niya sa Regal Entertainment, Inc.

Maagang nag-umpisa ang filming ng mermaid movie ni Janella dahil plano ito na isali sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Malaki ang chance na makasali sa MMFF 2017 ang My Fairy Tail Love Story dahil maganda ang kuwento nito at si Jun Lana ang direktor. Knows nating lahat na masuwerte si Jun na direktor at malinaw na ebidensya ang Die Beautiful, ang blockbuster movie na pinagbidahan ni Paolo Ballesteros at official entry sa MMFF noong nakaraang taon.

Ayaw sabihin ni Janella ang kulay ng buntot niya sa My Fairy Tail Love Story dahil too early pa. Basta ang sabi niya, medyo mabigat ang buntot na gawa sa silicone.

vuukle comment

HEART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with