^

Probinsiya

3 minero itinumba sa videoke bar

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng magkakaibigang minero makaraang pagbabarilin ng kanilang kabarong minero habang nag-iinuman sa loob ng Sheena Video-K Bar sa Barangay Jaboyoan sa bayan ng Aroroy, Masbate noong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang mga napatay na sina Joemedes Balbuena, 34; Otohoniel Eya, 30; at si Ruel Rabosa, 35, mga minero at nakatira sa Brgy. Luy-a sa nasabing bayan.

Arestado naman sa follow-up operation ng pulisya ang tatlo sa pitong suspek na sina Sheene Velasco, 38, ng Brgy.Talabaan; Ricky Chavez, 35, ng Barangay Bangon; at si Louis Lim, 38, ng Barangay Poblacion sa bayan ng Aroroy.

Base sa police report na nakarating ng Camp Simeon Ola, magkasamang nag-iinuman ang tatlo sa loob ng videoke bar nang lapitan at ratratin ng kanilang kaba­rong minero.

Agad na tumakas ang mga suspek pero naaresto ng mga pulis ang tatlong suspek habang patuloy na pinaghahanap ang apat na iba pa.

Pinaniniwalaang selos sa trabaho ang isa sa sinisilip na motibo ng gunmen sa pamamaslang.

Narekober sa crime scene ang Ilang basyo ng bala ng cal. 45 pistol at cal. 38 revolver habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

3 MINERO ITINUMBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with