^

PSN Opinyon

‘ABS-CBN, Inquirer, dapat lang ‘yan sa inyo!’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NAPUNO na ang salop ni Pres. Rody Duterte sa ABS-CBN at Philippine Daily Inquirer.

Sa sobrang pagkabuwisit ng Presidente, hindi na siya nakapagtimpi sa kanyang talumpati noong Huwebes nitong nakaraang linggo.

Mismong sa live coverage ng lahat ng media, diretsahan niyang pinangalanan at pinagmumura sa ere ang dalawang higanteng media outlet sa estilo ng kanilang pamamahayag.

Kung hindi raw baluktot ang kanilang pagbabalita, dina­dagdagan at inaangguluhan na parang wala nang ginawang tama ang Presidente at ang kanyang administrasyon. Wala nang objectivity at truthfulness. Binibigyan nila ng sarili nilang interpretasyon ang balita.

Kaya sa inis ng Presidente, siya na mismo ang nagsabi. Kukuha siya ng programa sa PTV4 para tapatan ang pambabastos sa kanya ng ABS-CBN at Inquirer.

Ito namang National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) isa ring A.S.S. (angkas, sawsaw, sakay). Sumusulpot na lang bigla sa isyu at nagkikiyaw-kiyaw.  Gusto yatang sumikat.

Lahat nang sinabi ng Presidente sa mga dilawang media, matagal ko nang natalakay sa aking programang Bitag Live.

Pagdating sa yellow media, yung timplada, kulay at lasa ng balita iba na. Para sa kanila, lahat nang sinasabi ng mga dilawan, balita. Lahat tama. Pero kapag administrasyon na ang nagsalita kahit na positibong mga kaganapan at balita, lahat mali. Kasi sa kanilang pananaw at panlasa, maling Presidente si Duterte.

Hindi nila matanggap na natalo ang manok nila noong eleksyon at limang taon pang uupo ang mama sa Palasyo.

Ano kaya ang pakiramdam ng may-ari ng ABS-CBN at PDI ngayon? Akala siguro nila hindi sila papatulan ng Presidente. Sabi nga ni Pres. Digong, hintayin nyo nalang ang karma nyo.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

vuukle comment

DAPAT LANG ‘YAN SA INYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with