^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Wala nang barangay elections

Pilipino Star Ngayon

Balak ni President Rodrigo Duterte na ipagpa­liban muli ang barangay elections sa Oktubre at alisin na ang mga opisyal nito at mag-appoint na lamang ng mga bagong pinuno. Ayon kay Interior Secretary Ismael Sueno, ang dahilan ng Presidente sa muling pagpapaliban ng barangay election ay upang mapigilan ang drug syndicate na mapondohan ang mga kakandidatong barangay chairman at iba pang opisyal. Ayon pa kay Sueno, wala siyang nakikitang mali sa balak ni Duterte na ipagpaliban ang election at tanggalin ang mga nakaupong barangay officials at palitan ang mga ito. Nagtapos na umano ang termino ng mga barangay officials noong nakaraang taon pa kaya walang illegal sa balak ng Presidente. Bakante na umano ang posis­yon kaya nararapat lamang ito na punan ng bagong pinuno, dagdag pa ni Sueno.

Ang pagsawata pa rin sa illegal na droga ang nasa isip ni Duterte kaya balak niyang huwag nang magkaroon ng barangay elections sa Oktubre. Kung magkakaroon ng election, babaha ang perang pambili ng boto. Ang pera ay magmumula sa drug lords. Kayang-kaya ng drug lords na mamakyaw ng boto sa barangay. Matatakam ang mga botante sa ipamumudmod na pera at tiyak na landslides ang kandidato ng drug lord. Kapag nanalo ang kanyang kandidato, malinaw ang pamamayagpag ng droga sa barangay.

Kamakailan, sinalakay ng mga pulis ang bahay ng isang barangay chairman sa Metro Manila at nakuhanan ng mga sachet ng shabu na nagkakahalaga ng milyong piso.

Sa mga talumpati ni Duterte, mayroon siyang ipi­nakikitang listahan ng mga drug suspect at karamihan sa mga ito ay barangay chairman. Malinaw na naghahari ang drug syndicate sa barangay kaya ito ang nais ni Duterte na agarang matigil. At ang tanging­ paraan para masawata ang mga ito ay ang pagpapaliban sa barangay election.

Tama ang hakbang na ito. Tuluyan nang itigil ang election at mag-appoint na lamang ng mga matitino at walang bahid na barangay leader. Linisin sa illegal na droga ang barangay.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with