^

Para Malibang

Aktor nagbababad sa porno ‘pag nasa kotse

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Umiiral pa rin ang pagiging maelya ng isang actor. Kapag break daw sa taping o matagal pa ang susunod niyang eksena, sa kanyang sasakyan nagpapalipas ng oras ang aktor.

Sa isang staff ng show na aming nakachikahan, naikuwento niya ang kaelyahan ng actor. Nang hanapin kasi siya para sa eksena na niya, sumilip sila sa tinted na sasakyan ng actor.

Shocked sila nang masilip na nanonood ng x-rated movie ang actor. Kahit tinted ang kotse niya, aninag pa rin ‘yung kulay ng TV sa bintana, huh! Wala naman daw moment si actor na pinaliligaya ang sarili.

Nag-aalala lang ang staff na baka mapanood ang x-rated film ng mga kasamang bata sa taping. Sa halip na sa games o social media maglibang ang actor, ang panonood ng malaswang panoorin ng type na type niya.

RS Francisco nagbago ng pangalan

Bida man ang stage actor sa indie movie na Bhoy Intsik si RS Francisco na may screen name na ngayong Raymond Francisco at kung saan siya ang producer, patuloy pa rin siyang magsusuporta sa ilang pelikula.

Galing siya sa teatro, na-venture bilang TV commercial director pero ngayon, tumigil na siya sa pagiging director dahil gusto niyang mag-focus sa pag-arte.

“May movie akong ginagawa ngayon. Meron din akong gagawing play mid this year. Support lang ako pero okey na rin.

“Pero pag ima-mount na namin ang isang malaking play, sana ma-produced uli namin sa atin,” pahayag ni Raymond sa grand presscon ng Bhoy Intsik.

Sa hindi nakaaalam, kaibigan ni RS si Gretchen Barretto. Ano naman ang suporta sa kanya ng mayamang kaibigan sa launching film niya?

“Prayers! Prayers talaga. Kasama ko siya kagabi. Sabi niya, mag-church visit kami bago ang showing. So prayers ang suporta niya and being there. Hindi lang siya makakapunta sa gala (premiere) kasi she’ll be in Davao. Pero sa birthday niya sa March 6, I think will be going in Hong Kong,” saad ni Raymond.

Ang kapatid ni Coco Martin na si Ronwaldo Martin ang makaka-tandem ni Raymond sa Bhoy Intsik. Baklang maton ang role niya kaya agad niyang  itinanggi na walang magaganap na hubaran sa movie. Mula sa direksyon ni Joel Lamangan, ang BI at isa sa entries sa Sinag Maynila 2017.

 

 

 

 

vuukle comment

RAYMOND FRANCISCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with