^

Police Metro

15 intsik, 1 Pinoy dinakip sa illegal online gambling

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga otoridad ang 15 Chinese national at isang Pinoy sa isinagawang raid ng PNP-Anti-Cybercime Group (PNP-ACG) kaugnay ng pagkakasangkot sa illegal online gambling kamakalawa ng gabi sa isang gusali sa San Miguel Avenue, Pasig City.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Wu Haotao; Hu ha; Li Jing; Fei Yang; Guo Ming Jie; Jiang Peng; Ling Peng; Li Jian; Zhang Xiang Jie; Guo Han;Wei Xue Ling; Xu Zhixia; Shi Yun; Gao zi Zhuang; Lian Lin Fang; pawang mga babae  at ang  Pinoy na si Russellbert Yuzon Villar.

Batay sa ulat, bandang alas-8:00 ng gabi nang sa­lakayin ng mga operatiba ang YD International Inc., 18th Floor, Belvedere Tower, San Miguel ng lungsod.

Bago ang operasyon ay nakatanggap ng impormas­yon na illegal na nag-o-operate ng mga games sa online gambling ang kumpanyang YD International Incorporated kaya’t isinagawa ang surveillance ope­rations.

Nang makumpirma  ang impormasyon at sa bisa ng search warrant ay isinagawa ang raid sa nasabing gusali at hindi na nakapalag ang mga suspect matapos na maaresto ng mga ito sa aktong nagsasagawa ng illegal on line gambling.

Nasamsam mula sa mga suspect ang 50 system units, 42 sari-saring cellphone, 7 IPad mini, 5 rou­ters, 2 DVR, 2 LED TV, isang printer, isang VOIP, sari-saring uri ng mga dokumento, mga Chinese ATM cards, mga passports at mga Identification Cards (IDs).

Kinasuhan ang mga suspek sa paglabag sa Presidential Decree (PD) 1602 (Illegal gambling) na inamyendahan bilang RA 9287 alinsunod sa RA 10175 (Cybercrime Law).

vuukle comment

PNP-ACG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with