^

Police Metro

D5 di puwedeng gumamit ng electronic gadgets

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbawalan ng PNP -Custodial Center na gumamit ng anumang uri ng electronic gadget  tulad ng cell phone, ipod, laptop at iba pa si Senadora Leila de Lima sa loob ng selda nito sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Sa ipinalabas na direktiba ni PNP Headquarters Support Service (PNP-HSS) Director P/Chief Supt. Philip Gil Philipps, 24/7 na babantayan ng kanilang mga tauhan ang detention facility ni de Lima upang matiyak na nasusunod ang protocol o patakaran partikular na sa mga high profile inmates.

Si de Lima ay nagplaplanong mag-opisina  habang nakakulong sa PNP Custodial Center kung saan pupuntahan na lamang ito ng kaniyang mga staff.

Ipinagbabawal din ang telebisyon at ma­ging mga computer sa detention room ni de Lima habang hindi rin ito pinapahintulutang gumamit ng mga metal utensils gayundin ay binigyan na ng orange t-shirt para magamit nito bilang detainee.

Samantalang ilang lady cops na rin ang mahigpit na nagbabantay 24/7 sa detention facility ni de Lima  kung saan sa kabuuang 26 inmates ay nag-iisa itong babae.

Kasabay nito ay naghigpit na rin ng seguridad sa PNP Custodial Center at tanging ang mga bisitang may clearance lamang ang pinapayagang makabi­sita sa detention room ni de Lima sa loob ng itinakdang visiting hours sa  Martes hanggang Biyernes mula ala-1 hanggang alas-5 ng hapon.

Kaugnay nito, nabatid naman sa sources na hindi umano gaanong nakatulog at pinagpawisan ng matindi si de Lima sa unang gabi nito sa makipot na silid na tanging electric fan lamang at matigas at maliit na kama ang gamit. Wala rin itong aircon, shower  habang sa comfort room ay may isang timba na may tabo ang gamit.

Samantala muli namang tiniyak ni Interior and Local Government Secretary Ismael Sueno na hindi bibigyan ng special treatment si de Lima bagaman irerespeto ito bilang Senadora.

vuukle comment

LEILA DE LIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with