^

Pang Movies

Janine muntik daw mahawa sa kabobohan ng dating ka-loveteam!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ibang-iba ang dating ni Janine Gutierrez nang makita namin siya sa trailer ng Legally Blind na napanood namin noong isang gabi. Kung iisipin, serye lang iyon sa telebisyon pero bigay na bigay ang kanyang acting.

Lahat halos ng naroroon ay nabigla, hindi nila inaasahan ang ganoong acting mula kay Janine, lalo na nga’t hanggang ngayon naman ay masasabing baguhan pa rin siya.

May mga nagsasabi ngang iyang mga ganyang talent, iyan ang dapat na napapanood sa prime time, kaso nasa afternoon slot nga lang ang Legally Blind.

Minsan nga, masasabi mong blessing talaga na nahiwalay siya sa kanyang ka-loveteam. Kung hindi nakawala si Janine sa love team na iyon, ewan kung mailalabas niya ang ganyang klase ng acting. Kasi kung may ka-loveteam ka, natural lamang na alalayan mo ang partner mo, hanggang sa mabobo ka na rin sa acting. Eh dahil nahiwalay nga siya sa loveteam na iyon, nailabas niya ang totoong talent niya.

Maski nga ang kanyang director na si Ricky Davao ay impressed sa ipinakita ni Janine, at siya mismo ay nagsabing “mas magaling siya kaysa kay Lotlot, huwag na lang sanang ma­karating”. Pero makarating man o hindi, palagay namin ay wala namang ma­sama. After all hindi pa naman na­min napanood si Lotlot sa ganyan katin­ding role.

“But it did not come easy,” pag-amin ni Janine nang makausap namin. Talagang pinag-aralan daw niya ang kilos ng mga bulag. May ilang araw nga raw na nagpunta pa siya sa School for the Blind para lamang makita ang kilos ng mga bulag at nang may mapag-basehan siya ng kanyang ac­ting.

Pero ano ang masasabi ni Janine na sinasabi ngayon ng mga kritiko na mas magaling siyang artista kaysa sa mga magulang niya?

“Huwag naman po ganoon. Kasi iyong totoo sila ang nagtuturo sa akin. Basta may mahihirap akong mga eksena, nagtatanong ako kay mama kung papaano ko gagawin at tinuturuan naman niya ako. At saka sinasabi naman nila na nakuha ko ang magandang features ng tatay ko, hindi ba guwapo naman kasi talaga siya? At saka si papa, critic ko rin iyan pagdating sa acting. Iba pa rin ang experience nila eh, mas alam nila ang ganitong trabaho,” sabi ni Janine.

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with