^

Metro

Indian national, itinumba sa Caloocan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Bulagta ang isang Indian national na nagpapa-five  six makaraang pagbabarilin ng nag-iisang hitman habang sakay ang biktima ng kanyang sasakyan, kahapon ng tanghali sa Caloocan City.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t  ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Rai Bansal, 60, negosyante, at naninirahan sa 5th Avenue, Brgy. 55 ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Station Investigation Unit, dakong alas-11:40 ng umaga nang ma­ganap ang pamamaril sa tapat ng tinutuluyang condominium building ng biktima sa 5th Avenue, ng naturang lungsod.

Sakay ang biktima ng kanyang Suzuki APV (TVO 547) at paalis pa lamang sa gusali nang lumapit ang nag-iisang salarin na nakasuot ng gray na jacket at walang habas na pinagbabaril ang biktima.  Kaswal lamang na naglakad palayo ang gunman at sumakay sa kanyang motorsiklo na ginamit sa pagtakas.

Narekober ng pulisya sa lugar ng krimen ang apat na cartridge buhat sa bala ng calibre .45 baril. Dinala naman ang bangkay ng biktima sa Eusebio Funeral Homes para isailalim sa otopsiya.

Sa record ng pulisya, dati nang tinambangan ang biktima noong taong 2000 na ikinasawi ng kasamahan nito habang nakaligtas sa kamatayan si Bansal. Hindi pa naman mabatid kung may kaugnayan ang naturang tangkang pamamaslang sa naganap na pamamaril sa kanya ngayon.

Nabatid din na may ne-gosyo na pautang na “five-six” ang biktima nang una siyang matambangan ay ginamit ang kanyang mga kaanak para sila ang mamahala ng kanyang mga pautang habang nagpalipat-lipat ng bahay ang biktima. Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya sa naturang krimen.

vuukle comment

RAI BANSAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with