^

PM Sports

Warriors dinurog ang Rockets

Pang-masa

MANILA, Philippines – Sinimulan ng Warriors ang kanilang four-game road trip sa pamamagitan ng 125-108 panalo laban sa Houston Rockets nitong Biyernes ng gabi sa NBA.

Pinangunahan ni Kevin Durant ang lahat ng scorers sa kanyang 32 points habang nagdag-dag si Stephen Curry 24 points, seven assists at limang three-pointers.

Pinuno ni Draymond Green ang stat sheet ng 15 points, eight rebounds at seven assists para lahat ng limang  Golden State starters ay umiskor ng double-digits sa ikatlong pagkakataon ngayong season.

Ang panalo ay nagsulong sa Warriors sa 37-6 win-loss record sa season matapos hatakin ang kanilang winning streak sa limang panalo.

Ang Golden State at Houston ay pumasok sa laro bilang mga highest scoring teams sa liga.

Matapos itala ni James Harden ang kanyang unang basket, kumamada ang Warriors ng 10-sunod na puntos para kunin ang 22-15 lead patungo sa huling 4:01 minuto ng first quarter.

Sumagot ang Houston ng limang sunod na puntos ngunit hindi na sila nakatabla at nanatili sa trangko ang Golden State  hanggang sa matapos ang laro.

Sa Atlanta, kaagad kinontrol ng Hawks ang laro at nalampasan ang pagbangon ng Chicago Bulls sa fourth quarter para kunin ang 102-93 panalo.

Pinamunuan nina Dennis Schroder at Paul Millsap ang maagang ratsada ng Atlanta laban sa Chicago na nagtayo ng 34-point lead patu-ngo sa kanilang pang-25 panalo sa  43 laro.

Sa Los Angeles, sumandig ang Lakers sa isang third quarter rally para gibain ang Indiana Pacers, 108-96.

 

vuukle comment

WARRIORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with