Para mag-bid sa hosting ng 2023 FIBA World Cup Pangilinan-Thohir nagsanib-puwersa
MANILA, Philippines - Nagtambal sina Filipino business mogul Manny V. Pangilinan at Indonesian magnate Erick Thohir para mag-bid sa hosting ng 2023 FIBA World Cup matapos ang kanilang pag-uusap sa Hong Kong kamakailan.
Dahil parehong may silya sa FIBA Central Board, madaling nagkasundo sina Pangilinan at Thohir para mabuo ang isang Philippines-Indonesia partnership.
Ang joint bid ng dalawang negosyante ay ukol sa pamamahala sa susunod na FIBA World Cup matapos ang China sa 2019 na idaraos sa walong pangunahing probinsya.
Ngunit dahil sa mas malaking fan base para sa basketball ay nauuna ang Pilipinas sa lead role sa pagbi-bid.
Nasa kasunduan din ng Pilipinas at Indonesia ang pagsasagawa ng championship game sa Maynila sakaling manalo sa kanilang bid.
Si Pangilinan, dating presidente ng SBP na pinamamahalaan ngayon ni Al Panlilio, ang gumawa ng paraan para makausap si Thohir, ang pinuno ng Indon federation at Southeast Asian Basketball Association (SEABA).
“MVP invited Thohir to come over in Hong Kong over the weekend. Since MVP is Gilas’ patron with business interests in Indonesia, and since both MVP and Mr. Thohir sit in the FIBA Central Board, the partnership was sealed easily,” ani SBP executive director Sonny Barrios.
Si Pangilinan ay nag-oopisina sa Hong Kong bilang top executive ng Hong Kong-based First Pacific Group.
“We thought of inviting somebody to join us in the bid because the 2023 WC has a new configuration allowing multi-country hosting. We look at Indonesia because of its sizable representation in terms of population,” ani Barrios.
- Latest