^

PSN Opinyon

Iba’t ibang panukala tungkol sa patayan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NILISTA sa dalawang uri ang 6,200 na patayan nu’ng July-Dec. 2016. Una ang sa kamay ng pulis, 2,100. Dala­wang klase din ito: ang totoong barilan sa drug raid o buy-bust, at ang binaril dahil kunwari’y “nanlaban.” Ehemplo ng huli, anang mga senador at NBI, ang kaso ni umano’y Eastern Visayas drug lord-mayor Rolando Espinosa sa loob ng provincial jail. Merong masaklap na napapabilang sa una: ang mga nahagip lang ng bala, kung minsa’y paslit, sa gitna ng labanan. Tungkulin ng DILG-Internal Affairs Service na otomatikong imbestigahan bawat kaso ng patayan sa kamay ng pulis.

Ikalawang uri ang deaths under investigation, 4,100. Dalawang klase din ito: ang may kinalaman sa droga, at ang ibang motibo. Sa una, maaring ang pumatay ay anti-drug vigilantes, o drug lords mismo na magka-away o pinatahimik ang kasapakat na nantaksil. Ang ikalawa ay mga alitan na dinaan sa dahas: karibal sa ligaw o negosyo, atbp. Nahagip din sa gitna ang mga inosente na nagkataong nandoon sa maling lugar sa maling oras. Tungkulin ng pulis lutasin lahat ng homicides.

Isang dekada nang uso ang patayan sa modus operandi na riding-in-tandem sa motorsiklo. Payo ni Sen. Panfilo Lacson, dating Philippine National Police chief, na bumuo ng intelligence at investigation task force para masawata na sa wakas ang murderers-for-hire. Panukala rin niya na bayaran ang mga pamilya ng mga ino­sente.

Magsampa ng kaso imbis na bumunot ng baril, dagdag naman ni ex-President Fidel Ramos, dating hepe ng Philippine Constabulary-Integrated National Police. Kontra siya sa pulis na makakati ang daliri.

Dapat may espesyal na prosecutors at mga korte para sa mga pulis na sangkot sa droga at patayan dahil dito. Ito ang panukala ng Volunteers Against Crime and Corruption.

Tugisin lahat ng killers, utos ng Commission on Human Rights. Hindi raw sapat ang pag-sorry ni President Duterte sa mga inosente.

vuukle comment

EASTERN VISAYAS DRUG LORD-MAYOR ROLANDO ESPINOSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with