^

PSN Showbiz

Kris Bernal ipinagpapasa-Diyos ang kapalaran sa paglipat sa Dos?!, Bong pinayagang dalawin ang ama!

SPORTING CHANCE - Sol Gorgonio - Associated Press

PIK: Mukhang effective nga ang word of mouth dahil pataas nang pataas ang kinikita ng walong pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016. Ang apat na panghuling pelikula na Saving Sally, Sunday Beauty Queen, Oro, at Kabisera ay nag-i-improve raw ang performance sa takilya.

Napansin naming dumarami ang nanonood sa Saving Sally at Sunday Beauty Queen kaya hindi sila nababawasan ng sinehan. Inaasahang mag-i-improve rin ang Kabisera at Oro. Kaya umaapela ang Executive Committee ng MMFF sa mga theater owner na i-extend ang filmfest hanggang January 7.

As of presstime, hinihintay lang daw nila ang confirmation ng SM Malls.

PAK: Makahulugan ang isa sa mga post ni Kris Bernal sa kanyang Instagram account na mukhang nakapagdesisyon na siya kung ano ang susunod na gagawing hakbang sa kanyang career.

Sabi ng Kapuso actress, “I’ve been praying consistently and diligently about an important life chan­ging decision. Consulted a lot of people, set countless meetings, surveyed, but I’ve ended up relying heavily on God’s wisdom and guidance of the Holy Spirit. I pray that this decision will glorify you more, Lord! Bring me your peace, give me clarity.

“God, I don’t know how this is going to work out but I trust You. You are in control of all things, Your way is the best.”

Karamihan sa mga comment sa post na iyon ay mas mabuting lumipat na raw siya ng ABS-CBN 2. Napabalita ngang nakipag-meeting si Kris sa Ka­pa­mil­ya network, pero walang nag-confirm kung matutuloy ang kanyang paglipat.

Ang isa pang narinig namin ay baka ang Viva Ar­tists Agency na raw ang magma-manage sa kanya dahil may magandang project daw ang Viva sa kanya.

BOOM: Masaya na rin si Sen. Bong Revilla, Jr. dahil napagbigyan siya ng Sandiganbayan na dalawin ang kanyang amang si dating Sen. Ramon Revilla, Sr. na ibinalik ng hospital. Mukhang matatagalan daw doon ang kanyang ama, kaya ipinakiusap ni Sen. Bong na mapagbigyan siyang dalawin ito na naka-confine sa St. Luke’s Global.

Nagpapasalamat ang buong pamil­ya dahil na­pagbigyan daw na makasama ang kanyang ama, bago salubungin ang Bagong Taon.

METRO MANILA FILM FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with