^

PSN Showbiz

Si Ryzza Mae at ang sardinas

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

2012 nang kunin akong endorser ng isang brand ng sardinas at gumawa ng ilang tv commercials para sa kanila. (pinagkakitaan ko ‘yung meganon ko!) After 2 years, kinuha naman nila ang noo’y child superstar at walong taong gulang na si Ryzza Mae Dizon para pumalit sa’kin. (tarayan ko sana pero bagets e!)

Sa kanyang pinaka unang tvc para sa sardinas, nagdesisyon ang management na isama pa rin ako sa ad pero si Ryzza na ang bida (di na ‘ko umarte! may tf pa rin na-man!)

Sa shoot ko nakita ang pagiging biba ni Ryzza na kinaaliwan noon sa Eat Bulaga bilang Aling Maliit at nagkaroon pa ng sariling talk show, ang The Ryzza Mae Show. (na nag- guest din ako ha!)

Madali siyang makakuha ng instructions, at alam makisabay sa mga adlib ko. (aral ako kay Joey De Leon! aral naman sya kay Bossing Vic Sotto!)

Ang pinaka classic na kwento sa behind the scene ng shoot ay ‘yung habang naka standby kami, naubos ni Ryzza ‘yung tinapay na may sardinas na hawak nya, bago pa man kami kuhanan. (gutom ‘yung bata?!) Napasigaw ‘yung isang staff ng “ay teka, wa-la na ‘yung tinapay!” sagot ng ryzza: “favorite ko po kasi ‘yung sardinas.” (‘yan ang tunay na endorser!!!)

Nung magdalaga na si Ryzza, maramimg pagkakataon na nakikita ko sya pag nagiging guest ako sa Eat Bulaga. Lagi syang lumalapit sa’kin para bumeso at mag-hello. (dalaga na, habang ako, tumi-tita na!)

Nitong kakatapos ko lang na guest appea-
rance sa EB, may napagtripan akong gawin. Bigla ko kasing nakita ‘yung photo namin dalawa sa shoot 12 years ago. (bigla na lang nagparamdam!) Gusto kong ulitin namin ang moment kaya nilapitan ko sya at ipinakita ang photo. Tinanong ko kung naalala pa nya. Ang sagot nya: “Oo naman po! Pati nga ‘yung pabango mo, ‘yan din gamit mo noon.” Naloka ako kasi totoo ‘yun dahil never ako nagpalit ng pabango. ( at least mabango naman ako!) Kaya go, nag-picture kami. (di kopyang kopya kasi selfie lang nagawa namin!)

21 years old na si Ryzza at patuloy pa ring nagpapasaya ng mga Dabarkads. All the best sa’yo! (eat tayo ulit ng sardinas sa commercial!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

ENDORSER

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with