^

Metro

MRT-3 passengers, umaalma sa araw-araw na aberya

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Galit na ang libu-libung pasahero ng Metro Rail Tran­sit (MRT-3) sa araw-araw na aberya dahil sa pagkaka-late nila sa pagpasok sa paaralan, trabaho at iba pang destinasyon. 

Kahapon ng umaga ay muling tumirik ang biyahe ng MRT-3 sa Northbound line ng Buendia Station.

Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), dakong alas-8:20 ng umaga ay pinababa ang mga pasahero makaraang makaranas ng technical problem ang isang tren.

Pinasakay sa kasunod na tren ang mga naapektuhang pasahero habang hinatak naman pabalik ng MRT-3 depo ang tumirik na bagon.

Kamakalawa ng hapon ay nakaranas din ng technical problem ang isang tren ng MRT-3 sa bahagi ng Guadalupe station Southbound dahilan para pababain din ang mga sakay nitong pasahero.

Ang MRT-3 ang bumi­biyahe ng kahabaan ng Edsa mula sa North Avenue, Quezon City pa­tungo ng Taft Ave­nue, Pasay City at vice versa.

vuukle comment

MRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with