^

PM Sports

Coach Nash Racela TNT Katropa na

Russell Cadayona - Pang-masa
Coach Nash Racela TNT Katropa na
Coach Nash Racela

MANILA, Philippines – Tuluyan nang hinirang ng TNT Katropa si Far Eastern University mentor Nash Racela bilang bagong head coach kapalit ni Jong Uichico.

Ito ay matapos ang idinaos na pulong noong Sabado ng gabi kung saan binasbasan ni team owner Manny V. Pangilinan ang pag-upo ni Racela sa bench ng Tropang Texters.

Hindi pa makakapirma ng kontrata si Racela sa TNT Katropa para sa darating na 42nd season ng PBA hangga’t hindi natatapos ang kampanya ng Tamaraws sa kasalukuyang Season 79 ng UAAP men’s basketball tournament.

Sa ikatlo niyang UAAP season ay ibinigay ni Racela sa FEU ang korona noong nakaraang taon.

Sa kanyang batang coaching career ay tinulungan ni Racela ang Batangas Blades para sa kampeonato ng Metropo-litan Basketball Association (MBA) noong 2001.

Babalik naman si Uichico, inihatid ang Tropang Texters sa korona ng 2015 PBA Commissioner’s Cup, bilang assistant ni Chot Reyes sa Gilas Pilipinas.

Sa kabila ng pagiging No. 1 team sa nakaraang 2016 PBA Governor’s Cup ay nasibak ang TNT Ka-tropa ng Meralco sa best-of-five semifinals series.

Ang 54-anyos na si Uichico ay mayroong 10 PBA championships bilang coach ng San Miguel Beermen, Ginebra Gin Kings at Tropang Texters.

Si Uichico ang uma-kay sa Ginebra sa huling PBA crown nito noong 2008 Fiesta Cup bago tulungan ni Tim Cone ang Gin Kings sa paghahari sa 2016 Governor’s Cup laban sa Meralco.

Tatalakayin pa ng management ng TNT Katropa kung papayagan si Racela, kapatid ni da-ting PBA star guard Olsen Racela na dalhin ang kanyang FEU coaching staff para sa pamamahala niya sa Tropang Texters.

Ang mga kasaluku-yang assistant coaches ng TNT Katropa ay sina Josh Reyes, Bong Ravena at Art dela Cruz.

Inaasahang iiwanan ni Racela sa kanyang assistant na si Josh Reyes ang Tamaraws sa UAAP.

vuukle comment

COACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with