^

PM Sports

George, Butler, Rose ‘di na tumingin sa iba

Pang-masa

MIAMI - si Paul George sa India-na Pacers kagaya nina Jimmy Butler sa Chicago Bulls at Carmelo Anthony at Derrick Rose sa New York Knicks.

Tila walang masyadong nabago sa nangya-ring trade deadline.

Sa kabuuan ay pitong deadline-day trades lamang ang naplantsa.

Si All-Star DeMarcus Cousins ay dinala ng Sacramento Kings sa New Orleans Pelicans kamakailan at ang mga sumunod na trades ay hindi maaaring ikumpara dito.

Maglalaro pa rin si George para sa Pacers bagama’t alam na four-time All-Star na maraming koponan ang gustong makuha ang kanyang serbisyo.

Kakampanya rin si Butler para sa Bulls habang hindi pinakawalan ng Knicks sina Rose at Anthony, maaaring isuko ang kanyang no-trade clause para makalipat sa ibang koponan.

Nangyari na ang malalaking palitan sa trade season bago pa ang deadline day.

Nakuha ng Toronto Raptors si forward Serge Ibaka mula sa Orlando Magic noong nakaraang linggo para mahugot si Terrence Ross kasunod ang pag-angkin kay P.J. Tucker buhat sa Phoenix Suns.

Noong nakaraang buwan ay kinuha ng Cleveland Cavaliers si shooter Kyle Korver mula sa Atlanta Hawks habang na-ging tahimik naman ang pagdadala ng Los Angeles Lakers kay guard Lou Williams sa Houston Rockets.

Ang Boston Celtics, ang kasalukuyang No. 2 sa East, ay may karapatang ipagpalit ang kanilang picks sa Brooklyn Nets para sa 2017 NBA Draft.

Inaasahang mananalo ang Nets sa lottery at ang magiging No. 1 pick nito ang kukunin ng Celtics.

 “It is a delicate balance of short-term goals and long-term goals,” wika ni Boston general manager Danny Ainge.

Samantala, inilagay ng Dallas Mavericks si five-time All-Star point guard Deron Williams sa waivers.

Matapos ito ay plano ni Williams na pumirma sa Cavaliers na magbibigay kay LeBron James ng extra playmaker na nauna na nitong gustong makuha para sa kanilang title defense.

vuukle comment

PAUL GEORGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with