^

PSN Opinyon

‘Persepsiyon sa martial law’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Gaano man kanipis ang hiwa sa isang pirasong keso laging mayroon dalawang banda. 

Kung sa isang isyu, mayroong mga pabor at mayroon din namang mga kumukontra. 

Tulad sa usapin ng martial law. May mga nagsasa­bing marami itong maganda at mabuting naidulot. Mayroon din namang nagpipinta, puro karahasan at mala­gim na karanasan ang hatid ng diktaturya. 

Hinggil ito sa muling pagbuhay ng pangulo sa posibilidad ng pagdedeklara ng martial law at suspendihin ang barangay elections ngayong taon. 

Sabi ng presidente, makakatulong ang martial law para tuluyang masugpo at matuldukan na ang ilegal na droga ganundin ang banta sa seguridad ng bansa. 

Subalit marami ang nagiging sensitibo kapag nari­rinig ang salitang martial law. 

Maiintindihan pa kung ang mga kumukontra at nagpuprotesta kontra deklarasyon ng martial law ‘yung mga buhay na noong dekada sitenta. Mayroon silang mga rason at dahilan.

Pero ang nakakatawa, karamihan sa mga nagma­martsa ngayon sa mga lansangan hindi pa buhay noong panahon ng diktaturya. Ang tanging basehan lang nila, persepsiyon. Maaaring narinig, nabasa o napanood lang sa mga pagsasadula sa kanilang mga eskwelahan. 

Mga millennial ang target dito. Ang lalakas ng loob magsisisigaw sa kalsada, wala namang sapat na kaalaman sa martial law. 

Kaya nga marami ang nagtaasan ng kilay sa naging deskripsiyon sa kanila ni Communications Sec. Martin Andanar noong nakaraang taon. Tinawag silang ‘‘temperamental brats’’

Pero tulad nga ng sinabi ko umpisa pa lang ng kolum kong ito, gaano man kanipis ang hiwa sa isang pirasong keso laging mayroong dalawang banda. 

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

 

vuukle comment

MARTIAL LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with