^

PSN Opinyon

Jueteng at VK sa Taguig di-natitinag

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HINDI man pinapansin ng gambling lord na si Jun Laurel ng Taguig City ang all-out war na iniutos ni President Duterte sa illegal gambling. Hanggang ngayon, namamayagpag pa ang jueteng at video karera operations ni Laurel sa siyudad ni Mayor Lani Cayetano at mukhang walang gustong kumilos laban sa ilegal na negosyo niya. Si NCRPO chief Dir. Oscar Albayalde kaya? Nakapagtataka lang mga suki kung bakit halos mabasag na ang eardrum ng mga pulis sa kababando nina Duterte at PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa tungkol sa kampanya laban sa illegal gambling subalit hindi kinakabahan si Laurel. Baka maganda ang parating ni Laurel sa mga operating unit ng PNP tulad ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Intelligence Group at iba pa? Magkano kaya ang para kay Albayalde?

Kung kumpleto rekado ang lingguhang intelihensiya ni Laurel sa PNP, hindi nga niya papansinin ang war vs illegal gambling ni Digong, di ba mga suki? Si Laurel at retiradong pulis na kaya hindi na siya mapabilang sa rogue cops na itinapon sa Basilan. Noong aktibo siya sa PNP, si Laurel ang bagman ni Chief Supt. Tomas Apolinario, director ng Southern Police District (SPD). Ang relasyon kaya ni Laurel kay Apolinario ang pumipigil sa mga operating unit ng SPD at Taguig police para salakayin ang mga puwesto niya sa jueteng at video karera? Si Apolinario ay kapatid ni Dep. Dir. Gen. Ramon Apolinario na napupusuan ni Duterte na papalit kay Bato. Baka masira ang tsansa ng utol ni SPD director na maging PNP chief dahil lang kay Laurel. Get’s n’yo mga suki?

At dahil sa relasyon ni Laurel sa SPD director, ma­ging si Sr. Supt. Allen Ocden, ang hepe ng Taguig police ay hindi makaimik tungkol kay Laurel. May kautusan si Ocden sa mga hepe ng police precinct na huwag na pakialaman ang jueteng at VK operations ni Laurel. Hehehe! Sobrang buwenas ni Laurel at lahat nang operating unit ng PNP at maging si Duterte ay hindi pinakikialaman ang ilegal na negosyo niya. Darating din ang araw mo Mr. Laurel. Kailan kaya? Baka sa pagputi ng uwak.

Kung sabagay, hindi lang pasugalan ni Laurel ang talamak sa Taguig City kundi maging ang droga at hindi sapat ang trabahong ginagawa ni Ocden para masawata ito. Dapat sigurong mag-operate si Ocden at mga tauhan niya sa mga lugar o lungga ng mga kapatid nating Muslim para matanto ang problema ng droga sa hurisdiksiyon niya. Sa pagkaalam ng mga suki ko, ang droga ang ugat sa pagpaulan ng bala sa bahay ni Laurel noong aktibo pa siya sa PNP. Na-monitor ko pa nga ang kaso sa TV news. Matapos magpalamig ng ilang buwan, muling lumitaw si Laurel at ang jueteng at VK na ang linya niya. Abangan!

 

vuukle comment

JUETENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with