^

Metro

Barker pinagbabaril, tigok

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang barker matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng motorsiklo habang ang biktima ay nakikipagkuwentuhan sa kanyang mga kaibigan sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Patrick Lambojo, 24, ng  Brgy. Santolan, Pasig City.

Sa imbestigayon ni SPO1 Romeo Tanguilan, nabatid na ang pagbaril sa biktima ay naganap dakong alas-11:30 ng gabi kamakalawa sa Marcos Hi-way, Brgy. Santolan sa lungsod.

Ayon sa report, habang nakikipagkuwentuhan ang biktima sa kanyang dalawang kaibigan na kapwa rin niya barker nang dumating ang isang nakamotorsiklong lalaki at walang sabi-sabing pagbabarilin ito sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek patungo sa direksyon ng Antipolo habang ang biktima ay isinugod sa Medical Core Hospital pero idineklara itong dead-on-arrival.

Aminado ang live-in partner ng biktima na si Grace Lacno na user ng droga ang kanyang kinakasama.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon at follow up operation ang mga awtoridad para matukoy at madakip ang salarin at mabatid ang motibo ng krimen.

vuukle comment

BARKER PINAGBABARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with