^

Bansa

Programa sa TESDA Alumni tututukan ni Mamondiong

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Upang higit pang mapalawak ang kaalaman ng mga nagtapos ng training sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay tututukan ni Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong ang pagbibigay ng karagdagang kasanayan sa mga ito. Ang programang ito ng kalihim ay kasama sa 17-point Reform and Development Agenda ng TESDA para sa susunod na mga taon na layuning mas higit pang matutukan ang kakayanan ng mga nagsipagtapos ng training sa nabanggit na ahensiya.

Ayon kay Mamondiong, layunin ng programang ito na mapalakas pa ang teknikal na kakayahan at kahusayan ng mga Filipino na nagsipagtapos ng training sa TESDA at upang makaagapay ang mga ito sa modernong teknolohiya.

Para sa mga TESDA graduates na gustong mapasama sa proyektong ito ay kinakailangan lamang makipag-ugnayan ng mga ito sa kanilang provincial at regional office upang matukoy kung anong training ang kanilang gustong idagdag sa kanilang kaalaman.

Sa pamamagitan din nito ay magkakaroon na ng kontak ang TESDA sa mga nagsipagtapos sakali mang may kumpanya na mangailangan ng skilled worker ay agad silang matatawagan upang mabigyan ng dagdag na pagkakakitaan.

vuukle comment

TESDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with