^

Punto Mo

10 Payo sa Buhay

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Ang ibabalot mo lang ang ‘yung kaya mong bitbitin.

Huwag magdesisyon kung galit ka; lalong huwag ma-ngako kung masaya ka.

Madalas na ang pinagsisisihan ay ‘yung bagay na hindi nagawa kaysa mga bagay na ginawa.

Huwag umasa na mai-improve mo ang isang bagay na pumalpak kung isinisisi mo sa ibang tao ang nangyari.

“Maaaring ikaw ang nag-iisang peach na pinakamakatas at tama ang pagkahinog na pinagnanasaang kainin ng mga tao. Pero dapat mo rin tandaan, hindi lahat ng tao ay kumakain ng peaches. Laging may lulutang na isang tao na ayaw ng lasa nito.” ---Dita von Teese

Kung ikaw ay isang ama at may anak na babae: Pagsikapan mong mapasaiyo, ang qualities ng lalaking pinapangarap mong maging asawa ng iyong anak na babae.

Lagi mong tandaan, ang kaaway lamang ang magsasabi sa iyo ng katotohanan tungkol sa iyong kapintasan. Mas mapagkakatiwalaan sila sa “department” na ito kaysa itinuturing mong mga kaibigan.

Huwag gawing “priority” ang mga taong ang turing sa iyo ay isa ka lang sa kanyang mga “options”.

Kung ikaw ay mataray na ina at mahilig manakit sa mga anak; huwag kang mabigla kung sa pagtanda mo ay maging masungit din sila sa iyo. ‘Yun ang iyong itinanim, huwag magtaka, kung iyon din ang iyong aanihin. 

 Ang most romantic love story ay hindi ‘yung kina Romeo at Juliet na nagpakamatay sa kanilang murang edad. Ito ay ang love story ng inyong Lolo at Lola na nanatiling nagmamahalan hanggang sa kanilang pagtanda.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with