^

Punto Mo

Tiwala kay Lim ang taga-Maynila

Butch M. Quejada - Pang-masa

WALANG makakapigil kay dating Manila Mayor Fred Lim na tumakbo bilang alkalde sa Maynila sa 2019 local election.

Pinabulaanan ni Lim ang mga tsismis na pinakakalat ng kanyang mga kalaban sa pulitika na hindi na siya interesadong tumakbo sa susunod na taon.

Sabi nga, kalokohan ang tsismis!

Tiyak na tatakbo si Lim at sa katunayan ay maraming mga supporters nito ang nagtutulak sa kanya na tumakbo. Bukod dito, marami ang gustong sumama sa kanyang tiket bilang kandidatong Vice Mayor, congressmen at mga konsehal dahil malaki ang tiwala nila sa dating alkalde ng Maynila na hindi sila pababayaan lalo na ang mga mahihirap na mamamayan dito.

‘Kung hindi madadaya si Lim sa susunod na halalan tiyak na ito ang magiging alkalde sa Manila.’ sabi ng mga nakausap nating mga supporters nito.    

Pinabulaanan ng mga supporters ni Lim ang mga naglabasang litrato sa facebook sa pagitan nilang dalawa ni Erap na parang nagka-ayos na sila rito at lumalagda sa isang dokumento. 

‘Matagal na ang litratong ito noon pang 2013 na magpirmahan ang dalawa sa isang peace covenant noon na sinaksihan pa ni dating COMELEC chairman Sixto Brillantes.’

Yong isa naman litrato ay matagal na rin nangyari dahil noon pang 56th anniversary pa ito ng PHILCONSA na ginanap sa Manila Hotel noong Sept. 17, 2017, nagkamayan sila pero walang pag-uusap na nangyari sa dalawa.

 Ayon sa mga supporters ni Lim nagtataka sila kung anong motibo at sino ang nasa likod ng mga pakulong ito sa litrato?

  Napanatili ni Lim ang kanyang mga koneksyon sa kanyang mga political leaders at supporters dahil ang mga ito ang nagtulak sa dating alkalde na tumakbong muli.

Sabi nga, kawawa ang Maynila kung hindi babalik si Lim!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with