^

Punto Mo

EDITORYAL - Mga biyahe nang biyahe at korap, tanggalin!

Pang-masa
EDITORYAL - Mga biyahe  nang biyahe at  korap, tanggalin!

GALIT si Duterte sa mga government official na biyahe nang biyahe sa ibang bansa kahit walang kinalaman sa trabaho at ginagamit pa ang pondo ng bayan. Hindi niya kayang kontrolin ang sarili at ang bunganga kapag may mga opisyal ng gobyerno na gumagawa ng kabulastugan. Pero may natatago rin siyang kabaitan sapagkat sasabihan daw muna niya ang mga opisyal na biyahe nang biyahe na magbitiw na lamang ito ng kusa kaysa naman ipahiya niya.

Pero noong nakaraang linggo, hindi na nakapagpigil si Duterte at agad sinibak ang chairman ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) dahil sa madalas na pagbibiyahe nito sa ibang bansa. Sabi ng Presidente, pitong beses na nagbiyahe sa ibang bansa si PCUP chairman Terry Ridon mula nang italaga niya ito sa puwesto noong nakaraang taon. Sabi pa ni Duterte, wala raw kaugnayan sa trabaho nito ang pagbibiyahe sa ibang bansa at ang masaklap pa, dalawang beses pa lang nagmimiting ang PCUP sa ilalim ni Ridon. Bukod kay Ridon, apat pang PCUP commissioners ang sinibak. Sabi naman ni Ridon, may pahintulot daw ng Office of the President ang kanyang pagbibiyahe. Ganunman, nagpapasalamat siya sa pagkakataong ibinigay ni Duterte. Noong Biyernes, sinabi ni Duterte na napipisil niya si Efren Penaflorida na hawakan ang PCUP. Si Penaflorida ang CNN Hero of the Year noong 2009. Sabi ng Presidente gusto niyang humawak sa urban poor ay yung mahirap o galing sa hirap.

Sa pagpapatalsik kay Ridon dahil sa pagbibiyahe, marami pang government officials na ganito rin ang ginagawa. Nagbibiyahe sila, gamit ang pera ng bayan. At malay ba ng taumbayan kung sino ang kasama ng opisyal sa biyahe --- maaaring mistress niya. Sinasamantala ang pagkakataon para magpakaligaya.

Ngayong nasimulan na ni Duterte ang pagsibak sa mga opisyal na biyahe nang biyahe, lalong matutuwa ang taumbayan kung ang lahat nang korap sa gobyerno ay sisibakin niya. Kapag nagawa niya ito, magkakaroon na ng tiwala ang taumbayan sa mga namumuno. Sa mga nakaraang pinuno, pawang pangako ang sinabing paglaban sa mga korap kaya patuloy ang paghihirap.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with