^

Punto Mo

Wanted: Enkargado sa MPD-Station 9!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

Binangga ng truck ang kotse ni Dr. Lyde Magpantay, ng St. Luke’s sa Quezon City, noong Oct. 29 sa Pasig. Siyempre, kailangan ni Dr. Magpantay ang police report pati na ang litrato ng aksidente para sa insurance ng kotse niya. Kaya lang sa pagkuha niya ng police report siningil si Dr. Magpantay ng P20 samantalang P300 naman sa litrato na di niya nasilayan. Ang problema lang, iniabot ni Dr. Magpantay ang pitsa sa naka-sibilyan na nakaharap niya sa labas ng police headquarters sa C. Raymundo para hindi mabuking ng CCTV camera. Di ba harang ito, Col. Orlando Yebra, Pasig City police chief, Sir? Maliwanag na corruption ito. Ang imbestigador sa kaso ni Doc ay si Manzano. Ang punto lang ni Dr. Magpantay ay mabura ang corruption dahil kawawa ang simpleng mamamayan dito. Tinatawagan ko si Chief Supt. Romulo Sapitula, director ng EPD na balasahin ang mga personnel ng traffic division ng Pasig City police at mukhang pitsa-pitsa ang lakad nila.

* * *

Matapos ang mahabang pamamahinga, tumira na naman ang “Martilyo gang” sa Harrizon Plaza sa Manila noong nakaraang. Ang suspects na nakasuot ng bull cap ay minartilyo ang mga estante ng Gold Buyer Store at umiskapo patungong Mabini St. matapos ang ilang minuto tangay ang P5 milyong halaga ng alahas. Itong tirada ng Martilyo gang ay matapos ang halos mahigit isang taon nilang pamamahinga at itinaon pa habang abala si NCRPO chief Dir. Oscar Albayalde sa seguridad ng ASEAN Summit sa Nov. 13 at 14. Ang natatandaan ng mga kosa ko, ang huling tirada ng Martilyo gang ay doon sa isang mall sa Quezon City kung saan sina dating Pres. Noynoy Aquino at dating DILG Sec. Mar Roxas ay mismong nagresponde sa mall. Sa ngayon, walang pang linaw ang kaso sa Harrizon Plaza dahil tahimik si Supt. Jun Obon, ang hepe ng Station 9 ng Manila Police District (MPD) na may sakop sa lugar.

Ang masaklap dito Gen. Albayalde Sir, ang tinira na gold store ay napagitnaan ng Station 9 at isa nitong PCP. Araykupoooo! Hak hak hak! Ang tanong sa ngayon ng mga kosa ko, nasaan ang mga pulis ni Obon?

Sinabi ng mga kosa ko na hindi pinapansin ni Obon ang kaso ng Martilyo Gang dahil abala siya sa paghahanap ng bagman niya. Nilalayasan kasi si Obon ng mga bagman niya dahil abo’t langit ang inaatang niyang lingguhan sa 1602 at iba pang pagkakitaan at hindi ito kaya. Ayon pa sa mga kosa ko sa MPD, aabot lang sa P30k o kasama ang hirit ay P40k ang laman ng Station 9 subalit ang gusto ni Obon ay P70k kada linggo. Minsan daw P38k lang ang na-remit ng bagman at dahil hinahanapan pa siya ni Obon aba napilitang mangutang ang una para mapunuan ang para sa opisyal. Hak hak hak! Ang lufet pala sa pitsa ni Obon, ano mga kosa? Parang wala nang bukas ah! At sa lahat ng lakad ng mga tauhan niya, lalo na kapag may sangkot na pitsa, aba palaging naghihinala si Obon na binubukulan siya. Hak hak hak! Sibakin mo na kaya Gen. Albayalde si Obon para trabaho ang uunahin ng taga-Station 9 at hindi puro pitsa. Hehehe! Weder-weder lang ‘yan! Sa mga enkargado riyan, mag-apply lang kay Obon para magulo ang buhay n’yo!

Kung sabagay, hindi lang si Obon ang inirereklamo tungkol sa pitsa sa Station 9 kundi maging si Chief Insp. Paul Sabulao, ang hepe ng PCP sa Arellano. Ang akusasyon naman ng taga-barangay sa Arellano, pinipitsa ng tropa ni Sabulao ang drug pushers sa lugar nila at kahit maliitan ay pinapatulan. Ano ba ‘yan? Kahit driving without license ay hindi pinapatawad ng PCP sa Arellano, ang sumbong pa ng taga-barangay. Hehehe! Puwede na sigurong sampolan ni Albayalde ang PCP ni Sabulao tulad ng Caloocan police na sinibak at pinalitan ng mga pulis sa ibang lugar sa Metro Manila. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with