^

Punto Mo

Parekoy (118)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAKARINIG si PO3 Jun ng serena ng mga papalapit na patrol cars. Nalaman na ng mga pulis ang engkuwentrong nangyari sa laboratoryo. Tiyak magugulat na naman ang mga kasamahang pulis kapag nalaman na siya na naman ang nakasolb nang malalaki at nakakatakot na kaso ukol sa illegal na droga – at kakaiba itong nangyari ngayon sapagkat ang shabu ay inihahalo sa juice drink.

Nang may marinig siyang tawag.

“PO3! PO3!’’

Si Lino! Si Parekoy!

Kasunod ni Parekoy ang mga pulis.

‘‘Anong nangyari PO3 ?’’

“Patay na silang lahat, Parekoy. Tapos na ang problema sa droga. Wala nang dapat ipag-alala ang mga magulang. Wala nang gagawa ng shabu juice.’’

At agad nagsagawa ng pag-iimbestiga ang mga pulis-SOCO.

At gaya nang inaasahan, pinuri si PO3 ng mga kapwa pulis.

“Nalampasan mo na naman kami PO3. Mukhang SPO4 ka na. Hanga talaga kami sa’yo. Napakatapang mo at sobra kang dedikado. Etong sindikato na na­dale mo ang pinakadelikado. Kumpleto sila sa armas. Kaya walang mangahas na pasukin ang compound. Ha­nga ako sa’yo PO3. ’’

“Salamat.’’

Nang isang pulis ang bi­g­lang sumigaw.

“Sir may lalaki rito sa cubicle. Sugatan!’’

Nang biglang maalala ni PO3 si Dong.

‘‘Si Dong! Dalhin natin siya sa ospital! May tama siya! Siya ang katulong ko sa pag-ubos sa sindikato!’’

Agad nilang isinugod si Dong sa ospital.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with