^

Punto Mo

Golden retriever sa Oregon pinarangalan matapos madiskubre ang nakabaong droga sa bakuran

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG golden retriever na alaga ng isang pamilya sa Oregon, USA ang pinarangalan ng sheriff doon matapos itong makadiskubre ng $85,000 halaga ng ipinagbabawal na droga.

Nagsimulang maghukay ang 18 buwang gulang na asong si Kenyon sa mismong bakuran ng tahanan ng kanyang mga amo noong mga unang linggo ng Agosto.

Nang matapos ang paghuhukay ni Kenyon ay natagpuan ng aso ang isang pakete na walang nakalagay na pagkaka-kilanlan ang may-ari.

Noong una ay inakala ng mga amo ni Kenyon na kung anu-anong abubot lang ang laman nito kaya laking gulat nila nang matuklasan nilang droga pala ang nasa loob nito.

Tumawag sa mga kinauukulan ang pamilya kaya agad na rumesponde ang Yamhill County Sheriff’s Office. Napag-alamang black tar heroin pala ang laman ng pakete at nagkakahalaga ito ng $85,000 (katumbas ng P4.3 milyon).

Bilang pagkilala sa kanyang pagkakadiskubre nang napakalaking bulto ng droga, pinarangalan si Kenyon ng Yamhill County K9 citation ribbon.

Bukod sa ribbon, itinalaga rin ang aso bilang hono­rary narcotics K9 hanggang siya ay nabubuhay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with