^

Punto Mo

Parekoy (116)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“HUWAG kang susuko Dong! Labanan mo ang nararamdaman mo, maka­kaligtas tayo! Huwag kang pipikit!’’ Sabi ni PO3 kay Dong.

Pero sa tingin ni PO3 ay nanghihina na si Dong. May dugong lumalabas sa dibdib nito.

Ang nangyari kay Dong ang nagbigay ng ibayong tapang at lakas kay PO3 para harapin ang mga tauhan ni General na nakikita niyang palapit nang palapit sa kinaroroonan nila ni Dong. Sige lapit pa! Uubusin ko kayo!  

Mahigpit ang pagkakahawak ni PO3 sa armalite. Uubusin niya ang lamang bala sa mga kaaway. Igaganti niya si Dong. Walang masasayang na bala. Lahat ay tatagos sa katawan ng kalaban.

Binilang ni PO3 ang mga papalapit na kalaban. Lima! Pawang mahahaba ang armas. Nakayuko ang mga ito habang papalapit pero nakikita sila ni PO3. Sabi ni Dong, mga pulis ang mga tauhan ni General. Mga loyal na tauhan ni General na kahit ano ang iutos ay gagawin. Pawang sagana sa pera ang mga pulis na nasa payroll ni General.

Pulis laban sa pulis ang magaganap ngayon. Matira ang matibay. Pero sa isip ni PO3, maghahari ang mabuti kaysa sa masama. Hindi kailanman magwawagi ang kasamaan laban sa kabutihan.

Malapit na malapit na ang mga kalaban. Sige, kaunting lapit pa! Lapit pa!

Nang inaakala ni PO3 na nasa tamang distansiya na ang mga kaaway para paulanan, bigla siyang tumayo at tinarget ang mga ito.

‘‘Uubusin ko kayo!’’

Bumuga ang bala sa armalite ni PO3. Sapol na sapol ang lima na nagkikisay makaraang tamaan ng bala. Hindi akalain ng mga kaaway na ganun kalakas ang baril na hawak ni PO3.

Pero nakita ni PO3 na mayroon pang mga papalapit na kaaway. Mas marami.

Bigla siyang nagdesisyon, binuhat niya si Dong. Kaila­ngang madala niya ito sa lig­tas na lugar. Ang katabing kuwar-to ay ang nagsisilbing sto-rage area ng mga juice. Mala-     mig. Mabilis niyang binuhat si Dong at ipinasok sa kuwarto. Kumpleto pala roon. Maraming ref. Nakita niya ang isang rolyo ng cotton sa ibabaw ng isang ref. Pumi­raso siya sa rolyo ng cotton at itinapal sa dumudugong bahagi ng dibdib ni Dong. Kahit paano, maampat ang daloy ng dugo.

Pagkaraang gawin iyon, isinara niyang mabuti ang pinto.

Saka tinungo niya ang armory. Kumuha pa siya ng armas na mas malakas kaysa armalite – AK-47. Kumuha rin siya ng dalawang granada.

Makikita nila ang bangis ni PO3.

Inabangan niya ang mga papalapit na kaaway. Nasa magandang posisyon siya kaya panatag na panatag ang loob niya. (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with