^

Punto Mo

Patayan sa drug war, parang hayop lang?

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

“TAO kami, hindi hayop.” ‘Yan ang isinisigaw ng netizens bilang reaction nila sa sandamukal na patayan na nagaganap sa ilalim ng administrasyon ni President Duterte. May katwiran din kasing magmaktol ang mga Pinoy dito sa halos may pa-contest na patayan sa bansa, na ang mga biktima ay puro mga piyaet lang. Nitong nagdaang mga araw kasi mga kosa, 32 katao na sangkot sa droga ang tumimbuwang sa Bulacan, 25 sa Manila, 22 sa Camanava at may ilan pang hindi nabilang sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

May katwirang mag-ingay ang mga kababayan natin, dahil mukhang walang due process na pinairal sa nangyayaring patayan, na kalimitang dahilan ay lumaban ang suspects. Subalit kahit nag-iingay itong mga netizens sa social media, wala pang palatandaan sa Palasyo o maging sa Philippine National Police (PNP) na mahihinto na ito. Lalo’t uminit pa ang isyu ukol sa tingin ng sambayanan na “salvaging” kay Kian Loyd delos Santos, ang Grade 11 na estudyante sa Caloocan City. Hehehe! Ito kayang sandamukal na patayan sa bansa ang magsisilbing waterloo ni Digong? Boom Panes! Weder-weder lang ‘yan!

Kaya naman umiinit ang isyu ng patayan ay dahil parang hayop lang na itinutumba ang mga biktima at ‘ika nga, ay walang due process, ‘yan ang sigaw ng netizens. Puwede namang hulihin muna, at kasuhan hanggang mabulok sa bilangguan, di ba mga kosa? Kaya lang puno na ang mga kulungan, hindi lang sa Metro Manila, kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa mga nahuhuling durugista. Kaya’t itong patayan na lang ba ang solution ng liderato ni Digong sa kanyang war vs illegal drugs? Ang tanong pa ng mga netizen, bakit ang maliliit lang ang tinatamaan? May punto sila rito, di ba mga kosa? Ang kumakalat tuloy na balita ay hindi masampolan ang mga malalaking tao o big fish dahil may padrino sila sa gobyerno. Ganun kaya ‘yon mga kosa? Kahit sabihin pa natin na talagang talamak na sa droga itong mga napapatay subalit bilang tao may karapatan din silang mabuhay. Kung nalilihis sila ng landas, dapat sigurong magsagawa ng pag-aaral ng gobyerno para magiyahang magbago itong mga adik at pusher at hindi ‘yaong kitlin na lang ang buhay nila. Hindi kayo Diyos, pulis kayo na dapat serbisyo publiko ang gagampanang trabaho at hindi executioner ng demonyo, ‘yan pa ang sigaw ng mga netizen sa PNP. Subalit sinabi naman ni PNP chief Dir. Gen. Bato dela Rosa na sagrado ang buhay ng tao kaya mananagot ang sinumang pulis na mag-aabuso at napatunayan niya yan nang iutos ang malawakang imbestigasyon sa pagkamatay ni Kian, di ba mga kosa? Hak hak hak! Mukhang seryoso naman si Bato na patawan ng tamang kaparusahan ang tatlong pulis Caloocan na itinuturong nang-salvage kay Kian. Subalit hindi mahihinto itong patayan kasi ang gusto pa nga ni Digong ay 32 kada araw ang itutumbang adik at pusher, di ba mga kosa! Hak hak hak! Kung No. 1 defender mo ang pangulo, ano ang ikakatakot mo, ‘yan ang tugon ni kosang Fernan Marasigan.

At dahil sa pagpatay kay Kian, marami nang sumakay sa isyu lalo na ang ating  mga pulitiko na gustong makita na naman ang mga mukha sa television. Boom Panes! Puro imbestigasyon na naman para makakuha ng pogi points itong ating mga pulitiko na ang palaging isinasangkalan ay in aid to legislation subalit wala namang kinakalabasan. Puro papogi na lang at kubra ng per diem ang mga pulitiko natin at ang palaging kawawa ay ang sambayanan dahil ang tax na ibinabayad nila ang napupunta sa wala. Boom Panes talaga! Hak hak hak! Lalong mahahati na naman ang sambayanan dito sa isyu ng patayan, di ba mga kosa? Tiyak ‘yun!

Kapag nagatungan pa itong isyu ng patayan, lalo na ang kaso ni Kian, hindi na tayo magtataka mga kosa kung magkaroon na naman ng malawakang protest rally at maririnig na naman natin ang pagsisigaw na “IBAGSAK,” “MAKIBAKA,” at iba pa. Masaya ‘yan, di ba mga kosa? Kaya habang nasa poder si Digong, sobrang ingat lang po tayo mga kosa at baka matamaan tayo ng ligaw na bala. Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with