Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Hirap

“MOMMY, sa iyo muna ang ATM ko.”

“Bakit?”

“’Yung 1st at 2nd suweldo ko, sa iyo na lang lahat.”

Ang kausap ko ay aking panganay. Tinanggap niya ang unang suweldo sa bagong pinapasukan. Ang 2nd suweldo, na hindi pa natatanggap, ay “ipinamimigay” na sa akin.

Nabigla ako. Gusto kong mapaiyak sa tuwa. Hindi dahil sa pera kundi sa thoughtfulness ng aking anak.

“Ibibigay mo lahat? Ano ang gagastusin mo?”

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“May pera pa ako”

‘Yung perang sinasabi niya ay kinita niya sa dating trabaho.

“Aba…napakarami mo namang pera at hindi maubus-ubos,” biro ko. Sabagay, matipid ang anak ko sapul pa noong bata siya. Napangiti sa sinabi ko. Pero hindi sumagot.

Naalaala ko noong last year niya sa law school. Hirap na hirap siya sa kanyang schedule. Ang review sa bar exam ay nag-overlap sa schedule ng kanyang regular class. Nagbago kasi ang opening ng klase pero hindi binago ang schedule ng bar  review. Mas madalas na absent siya sa review classes niya dahil ang priority niya ay ang regular classes niya.

Hiniling niyang magrenta ng room malapit sa school. Mahirap kumuha ng sasakyan—jeep man o taxi—kapag inabot ng gabi sa school. Dumadaing na siya ng stress. Hirap na sa pag-aaral, review at pagbibiyahe. Alas dose na sa hatinggabi kung umuwi dahil walang masakyan. Naaawa naman sa kanyang ama kung pasusundo pa siya. Alam niyang punung-puno rin ng stress ang trabaho ng kanyang ama.

Pumayag ako. Pero napakamahal pala ng renta. Hindi kaya ng aming budget. Gustuhin ko man tulungan ang aking anak na mapagaan ang kanyang sitwasyon, wala akong magawa. Iyon ang isa sa mga nakakaiyak na sitwasyon para sa isang magulang: wala kang sapat na pera para mabawasan man lang kahit kaunti ang  paghihirap ng iyong anak.

Salamat na lang at nalampasan niya ang lahat ng paghihirap with flying colors. Naisip ko, kung nakumpleto niya ang pag-attend sa kanyang review classes, may chance sigurong nakasama siya sa top 10. Ilang kembot na lang at abot sana siya sa grade ng top 10.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: