^

Punto Mo

Biyuda sa Cambodia, naniniwalang na-reincarnate ang kanyang asawa bilang isang baka

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae sa Cambodia na higit isang taon nang nabiyuda ang naniniwalang nagkatawang-baka ang kanyang asawa matapos itong mamayapa.

Ito ang paniniwala ng 74 anyos na si Khim Hang na ang tahana’y dinarayo na ng daan-daang katao araw-araw para makita ang alaga niyang baka.

Kaparehong-kapareho raw kasi sa namayapa niyang asawang si Tol Khut ang ikinikilos ng baka, na ngayon ay sikat na rin sa social media.

Noon lang Marso ipinanganak ang baka, na inaaruga ni Khim Hang na parang isang sanggol. Bukod sa pagpapakain ay pinapaliguan at pinapatulog niya rin ito sa unan na ginamit ni Tol Khut noong siya ay nabubuhay pa.

Nangako pa si Khim Hang na aalagaan niya ang baka habang siya ay nabubuhay.

Marami naman ang nag-uusyuso sa baka dahil gusto nilang makita kung paano kumilos ito. Isa na sa mga dumayo sa bahay ni Khim Hang ay si Thach Vin na unang napanood ang baka sa isang video sa Facebook.

Noong una niya raw nakita ito ay hindi siya makapaniwala sa kakaibang pagkilos nito na hawig ng sa tao.

Hindi naman kakaiba para sa mga Cambodian ang paniniwalang ito ni Khim Hang dahil 95 porsiyento sa kanila ay mga Buddhist na naniniwala sa reincarnation.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with