^

Punto Mo

‘Dalagita, nilason ng mga kabarkada sa isang KTV bar’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

KUWIDAW ang isang KTV Bar sa San Jose Del Monte, Bulacan sa pagtanggap ng mga menor de edad na customer. Dahil labas-masok sila Totoy at Nene sa kanilang establisimento, isang krimen ang naglagay tuloy sa kanilang negosyo sa alanganin.

Ito ay nang dumulog sa tanggapan ng Kilos Pronto ang isang naulilang ama. Emosyonal niyang sinalaysay ang nangyari sa kanyang disi-sais na babaing anak sa loob ng lintik na Hunger  Camp KTV Bar.

Ang dalagita, nalason ng kanyang mga kasama. Tulad ng nakasanayan nilang magkakaibigan, nagkayayaang mag-inuman.

Madaling araw na ng matapos ang kanilang hapi-hapi na magkakabarkada, nakauwi pa sa bahay ang biktima at nagawa pang magsumbong sa ama na tila pinagkakaisahan na siya ng kanyang mga kaibigan.

Maya-maya raw, nananakit na ang tiyan ng bata at hindi na natigil sa pagsususka. Naisugod pa ng kanyang mga magulang sa ospital ang dalaga pero kalauna’y binawian din ng buhay.

Buhay ang kanyang mga kasama at walang kapruble-problema, ang dalaga lang ang nalason o nilason. Malinaw na may krimeng ginawa subalit may mga problema, naku katakut-takot!

Una, kapwa mga menor din ang mga suspect. Ikalawa, mahuli man, ‘di rin sila maparurusahan dahil sa lintik na batas ni Sen. Kiko Pangilinan.

Ikatlo, ang imbestigador ng kaso, ‘di malaman kung inutil o tamad. Kung maayos sana ang kanilang trabaho, ‘di na sana ‘to nakaabot sa BITAG at Kilos Pronto!

Nakikinig ba kayo, Women’s Desk sa San Jose del Monte, Bulacan? Bakit pa kayo nag­hihintay ng autopsy?

Malinaw pa sa sikat ng araw ang ikinamatay ng bata. Nakalagay sa death certificate, ingestion of corrosive toxic substance. Mga ob-ob, ta@#a!, es@<?!$o!

Sa episode ng programang Kilos Pronto nitong nakaraang linggo, inilapit na namin sa local na pamahalaan ang kalokohang ito ng Hunger camp at ang Kilos Prontong aksiyon nila, ipasara agad ang KTV Bar. 

Hay naku, kayo namang mga kabataan, ito ang aking payo sa inyo lalo na sa mga menor de edad pa. Dis oras na ng gabi, ‘wag nang kung saan-saan pa gumagala.

Mag-aral kayo ng mabuti nang masuklian ang paghihirap ng inyong mga magulang. Sumunod kayo sa kanila, ‘wag nang matigas ang ulo. Ayaw n’yong sapitin ang parehong senaryo hindi ba?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with