Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

EDITORYAL - DENR Sec. Cimatu, pinutol na ang mga kahoy sa Palawan

DALAWANG araw makaraang i-reject ng Commission on Appointments (CA) si dating Environment Secretary Gina Lopez, umarangkada na ang isang mining company sa Brookespoint, Palawan at walang habas na pinagpuputol ang mga punongkahoy sa kagubatan doon. Ang mga pinutol na kahoy ay 100 taon na ang edad. Pinutol ang mga kahoy para maisagawa ang pagmimina sa lugar. Libong puno ang pinutol.

Ayon kay dating Environment Sec. Lopez, na ini-upload sa kanyang Facebook account ang mga kahoy na pinutol, dalawang araw daw makaraan siyang ma-reject ng CA, isinagawa agad ng Ipilan Nickel Corp., ang pagputol sa mga kahoy. Ginawa iyon ng mining company sa kabila na wala silang permit at walamg protected area clearance. Ayon pa kay Lopez, ang pagputol sa mga puno ay makaaapekto sa 3,000 ektarya ng agricultural land, 30,000 mga tao at limang barangay.

Ang mga pagsisiwalat ni Lopez sa tinawag niyang “masaker” sa Brookespoint ay kinumpirma naman ng isang pinuno ng DENR-Community and Environment and Natural Resources sa Palawan na si Conrado Corpuz.

Kahapon, sa isang radio interview, sinabi naman ng mayor ng Brookespoint, na pinagbawalan silang makapunta sa lugar na pinutol ang mga kahoy. Nakapagtataka raw na maski ang mga pulis ay ayaw namang pumunta sa lugar. Naghihina­la sila na baka pati mga pulis ay kakutsaba ng mi-ning company.

Ang nangyari sa Brookespoint ay nararapat namang alamin ni DENR Sec. Roy Cimatu. Walang permit ang mining company at bakit ayaw payagan ang mayor doon na bisitahin ang lugar. Anong kababalaghan ang nangyayari roon. Ito na ang pagkakataon para maipakita ni Cimatu ang kanyang pangil sa mga iresponsableng mining company. Gawin niya ang ginawa ni Lopez.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: