^

Punto Mo

Ibubunga ng Miss Universe pageant sa bansa

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MALAKING pagkakataon para sa Pilipinas ang pagdaraos ng Miss Universe beauty pageant na lalahukan ng mga naggagan­dahang dilag sa buong mundo.

Kaya naman dapat samantalahin ng gobyerno ang buting ibubunga nito sa bansa dahil muling aalingawngaw ang Pilipinas sa buong daigdig.

Hindi dapat payagan ng PNP at iba pang law enforcement agency na may makalusot na maghahasik ng kaguluhan sa bansa .

Dapat, lahat ng mga Pilipino ay magkaisa at tumulong sa gobyerno upang i-secure ang buong bansa sa pamamagitan ng mapagmatyag sa anumang kilos ng sinumang grupo.

Maraming event na isinagawa sa Pilipinas ang naging matagumpay naman at ang pinakahuli ay ang idinaos na APEC summit at ang pagbisita ng Santo Papa.

Napatunayan na ng PNP na kaya nitong bigyan ng seguridad amg anumang pagtitipon sa bansa .

Pero kailangan pa rin ang pakikipagtulungan ng mga Pilipino dahil kung magkakaroon ng aberya, lahat tayo maaapektuhan.

Magiging dahilan din upang lumago ang turismo sa bansa kapag naging matagumpay ang Miss Universe pageant na susubaybayan sa buong mundo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with