^

PM Sports

Customs pasok na

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines – Makaraang naudlot ng dalawang  beses, pumasok na rin sa wakas sa semis ang Bureau of Customs Transformers ni Alyssa Valdez matapos dominahin ang wala pang panalong Philippine Coast Guard, 25-18, 25-12, 25-18  kahapon sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Conference na ginanap sa Philsports Arena sa Pasig City.

Naging madali ang ikaapat na panalo ng Transformers para makabangon agad sa kanilang talo laban sa Pocari noong Sabado at umangat sa 4-2 win-loss record. Umakyat din sila sa solo third spot sa likuran ng nangungunang University of Sto. Tomas (5-1) at Pocari Lady Warriors na tangan ang 4-1 slate.

Tatapusin ng BOC Transformers ang kanilang elimination round assignment sa Sabado kontra sa Philippine Air Force.

Ang Philippine Coast Guard naman ang tanging koponan na hindi pa nakatikim ng panalo sa anim na laro. Haharapin ng Coast Guard ang BaliPure sa huli nilang laro sa Nov. 2.

Si Valdez, ang nangunguna sa scoring ng kumperensiyang ito at si  Thailander Kanjana Kuthaisong ang umarangkada para sa Transformers sa pamamagitan ng agresibong opensa.  Umani si Valdez ng 11 kills sa kanyang kabuuang 14 puntos na may kasamang six digs at execellent reception. Si Kuthaisong naman ay umiskor ng pitong puntos at tig-lima sina Lilet Mabbayad at Michicko Castaneda.

“We’re really happy to win. This is a confidence-booster as we head to the semis. We still have to learn from our mistakes, the little things inside the court which make the difference at the end of the game,” sabi ni Customs skipper Valdez.

Ang dating Far Eastern University star na si Samantha Dawson ay umani ng 11 puntos at anim mula kay Hazel Mea para sa Coast Guard Lady Dolphins.

Samantala, nanatili ang malinis na kartada ng Philippine Air Force matapos magwagi kontra sa Instituto Estetico Manila,  22-25, 25-22, 25-15, 25-21  para pumasok sa semifinals ng  2nd Spikers’ Turf Reinforced Conference na ginanap sa parehong venue.

Nakuha ng Jet Spikers ang ikaapat na sunod na panalo sa pagbibida ni  Howard Mojic.

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with