^

Punto Mo

Hackers h’wag gawing ehemplo

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

SA modernong teknolohiya ngayon, napakabilis nang palitan ng mga impormasyon.

Kadalasang mga kabataan ang siyang eksperto o nakakaalam sa digital world.

Kamakailan lamang bago pa maghalalan, dalawang kabataan ang nahuli ng NBI na umano’y sangkot sa pag-hack sa Comelec website.

Hindi nga ba’t nalagay pa noon sa alanganin ang komisyon dahil dito.

Isang Paul Biteng, 22-anyos na bagong graduate ng IT at isa pa  ring kabataan ang dinakip na sangkot nga sa pag-hack sa iba’t ibang website ng gobyerno.

Nakakabilib daw ang galing ng mga ito, kaya nga may nagrekomenda na dapat pakinabangan ang talino ng mga ito. Dapat daw na maalagaan pa ito ng gobyerno.

Mukhang hindi yata maganda ang ganitong panukala, tila kinukunsinti pa natin ang mga batang hackers na ito. Hindi ba’t mas kailangan na papanagutin sila sa kanilang maling ginawa, hindi yung alagaan pa raw at mapakinabangan.

Baka maging ehemplo ito sa iba, gamitin ang  kaalaman o talino sa maling paraan dahil pwede namang patawarin at mapakinabangan?

Dapat batas ang masunod at maipairal sa lahat nang panahon.

vuukle comment

ASDSD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with